Czarina Eunice's
Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Ibang iba ang hitsura ko ngayon kumpara sa nakasanayan. Ang bangs ko ay nakatago sa isang magandang clip at wala na rin ang salamin ko sa mata.
Bawal ang make up sa school kaya nagpowder na lang ako. Naglagay din ako ng lipgloss pero hindi naman ganun kashinny or kapula yung labi ko, sapat lang para hindi ako magmukhang maputla. I'm not used to it but I am starting to love my new look more.
Bago ako lumabas ng kwarto ay nagspray muna ako ng mamahaling pabango na regalo sakin ni Mommy noon -- bagay na minsan ko lang gawin. Mahiluhin kasi ako kaya tuwing may mga occasions ko lang ginagamit yun. Most of the time, baby cologne lang ang ginagamit ko para hindi matapang yung amoy.
"Eunice?" Kunot na kunot ang noo ni Mommy nung makasalubong ako sa hagdan.
"Good morning, Mom" humalik ako sa pisngi nya at napataas naman ang kilay nya.
"May event ba sa school nyo?" Tanong nya habang nalulukot pa ang ilong. Naparami ata ang spray ko ng perfume.
"Wala po" namewang sya kaya napayuko ako at napakagat sa labi.
"So, anong meron?"
"Pangit po ba?"
"Of course not, bagay na bagay nga sayo e. Nanibago lang ako" sinapo ni Mommy ang mukha ko kaya ako napatingin sa kanya. May pinahid pa sya sa may gilid ng labi ko.
"Dalaga na ang baby ko. May boyfriend na ata" natatawang sabi nya at inayos pa ang buhok ko.
"Wala naman po. Gusto ko lang ng bagong look. Nakakasawa na po kasing maging plain" pinagtitripan kase. Akala ata, madaling utuin.
"There's nothing wrong with being plain and simple. Everyone is extraordinary in their own unique way." Napatango na lang ako sa sinabi ni Mommy. May point naman sya. Naiinis lang talaga ako kay Jarred. Ipapakita ko sa kanyang hindi ako affected sa ginawa nyang lintik sya!
Dumaan muna ako kay Kuya Amiel bago tuluyang lumabas ng bahay. Habang nasa sasakyan ay hindi ko alam kung ilang beses akong bumuntong hininga at humarap sa salamin. Bagay ba talaga sakin yung ganito? Baka mukha akong tanga, lalo akong pagtripan ng barkadahan nina Jarred.
"Kuya Mon?" Tawag ko sa driver namin. Medyo close naman kami ni Kuya kaya siguro hindi sya magsisinungaling sakin.
"Bakit po, Miss?"
"Bagay po ba sakin yung ayos ko ngayon? Wag kang magsisinungaling, Kuya!" Ngumuso pa ako. Narinig ko namang natawa sya.
"Bagay po, Miss. Mas lumitaw po yung ganda nyo"
"Kahit wala kang bonus sa Christmas at 13th month pay?" Natawa ulit sya.
"Oo nga po Miss. Maniwala kayo sakin"
"Sige na nga. Sasabihin ko kay Mommy bigyan ka na din ng 14th month pay" natatawang napapailing na lang sya at hindi na nagsalita.
Pagdating ng school ay nakatungong naglakad lang ako papuntang classroom namin.
"Good morning, Cala" bati ko sa kaibigan ko pagtabi ko sa kanya. Magkatabi kasi kami sa upuan sa may bandang likuran malapit sa bintana.
"Naligo ka ba ng pabango?" Natatawang tanong nya. Nagkibit balikat lang ako at nilabas yung notes namin kahapon para magreview.
Pumasok sa Jarred sa classroom. Tahimik syang umupo sa pwesto nya bandang unahan ko. Tahimik lang sya at pagkuwa'y pumikit. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Sa mga lumipas na araw ay hindi man lang kami nagkakausap ni Jarred. Nakakapagtaka nga na hindi na rin sya sumasama sa mga pasaway nyang kaibigan. Lagi lang syang tahimik sa classroom at natutulog pag walang teacher.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...