Chapter 39

131 10 2
                                    

Czarina Eunice's

"How's life, Cza?" Napairap na lang ako nang marinig ko ang boses ni Zacharius mula sa kabilang linya.

Daming time ng lalaking to. Halos araw-araw ata tumatawag at nangungulit.

"Wala ka bang ibang ginagawa sa buhay mo?" Inis kong tanong sa kanya. Rest day ko ngayon kaya naisipan kong maggala-gala man lang at maglibang pero sinisira ng lalaking ito ang araw ko.

"Come on, Cza. Di mo ba ako namimiss? Almost 6 months na tayong hindi nagkikita" pakiramdam ko nakangisi tong gagong to. Ewan ko ba sa lalaking to, mukhang past time ata ang pambubwisit sa akin.

"Ano bang kailangan mo? Alam mong bang kanina lang ay ineenjoy ko ang kapayapaan at ang masarap na masarap na kape sa harapan ko bago mo sirain yun?"

"Sama mo talaga sa akin. Nangangamusta lang naman ako" pupusta ako, nakapout to.

"Nang araw-araw? Nakakasawa ka rin kayang kausap!" Singhal ko. Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa akin dahil hindi naman nila naiintindihan ang language na ginagamit ko.

"I hate you"

"Likewise"

"May itatanong lang naman ako sayo"

"Ano ba yun?"

"Masama bang maging kaligayahan ko ang kalungkutan ng iba?" Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Ano na namang tinira ng lalaking to?

"Ha? Sinasabi mo?"

"Lalo na ang balitang break na sila! Hahaha, may pag-asa na ulit ako!" Nahilot ko na lang ang sintido ko. Walang pasabing pinatay ko ang tawag at in-off ko na din ang phone ko. Baka maisipan ko pang kumontak ng assassin at ipatira ko si Zacharius.

Muli kong ninamnam ang katahimikan. Sa anim na buwang narito ako sa kabilang panig ng mundo ay ngayon lang ako nakapagrelax. Ang dami kasing trabahong kailangan tapusin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at ipinahinga ang likod ko sa sandalan ng couch na kinauupuan ko. Maganda ang atmosphere ng coffee shop na kinaroroonan ko. May mga musikero pang tumutugtog kaya mas nakakarelax.

Napamulat ako nang naramdaman kong may umupo sa bakanteng upuan katapat ko. Nakangising mukha ng isang lalaki ang bumungad sa akin. Lord, Isang araw na kapayapaan lang po oh. Mabait naman ako e.

"Kamusta, Madam?" Anong ginagawa ng Hans na to dito?

"Anong kailangan mo sa akin, Honesto Andres Nevada Samonte?" Napangiwi siya nang banggitin ko ang totoo at buong-buong pangalan nya.

"It's Professor Samonte for you, Madam. But Teacher Hans will do." nakangising sabi nya nung nakabawi sabay kindat kaya napataas ang kilay ko.

"Anong ginagawa mo dito at anong karapatan mong sirain ang rest day ko?"

"Ito namang si Madam, parang others. Napadaan lang naman ako dito para magkape. Malapit lang kasi dito yung school na pinagtuturuan ko"

"Dito ka nagtatrabaho?"

"Yup. Mga 3 years na din. Dito na rin ako nag-aral for Master's Degree" proud na proud na sabi nya. Akalain mo nga namang malayo rin ang mararating ng pasaway na to.

"Anong tinuturo mo sa mga bata? Kung paano magpasabog ng kantutay?" Biro ko sa kanya. Napakamot naman siya sa ulo nya.

"Grabe talaga kayo sa akin. Lahat na lang ng kabatch natin noon pag nakikita ako, yan ang bukambibig"

"Siraulo ka kasi" natatawang sabi ko.

"Hey! Nagmagandang loob lang naman ako. Nakakaantok kayang magturo si Mam. Pakiramdam ko, ako ang inaawitan ng ibong adarna e. Baka pag nagpatuloy pa siya sa pagkaklase, tayo na ang maging taong bato sa halip na yung mga kapatid ni Don Juan" lalo akong natawa sa kanya. Tama naman siya. Nakakaantok ngang magturo ang teacher namin noon.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon