Chapter 42

138 7 0
                                    

Czarina Eunice's

"Ngayon lang ako nainis sa bakasyon. Bakit kasi kailangan pang magbakasyon?!" Inis na bulong ko sa hangin habang nagpapapadyak. Narito ako sa tapat ng school ni Sabrina ngunit sa kasamaang palad ay summer break na daw nila kaya gwardya lang ang naabutan ko dito.

Hindi kasi ako nakabalik agad dahil pagkatapos kong makausap si Jarred sa coffee shop ni Tita Angela ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Tatay Mon. Naaksidente daw yung sinasakyan nilang tricycle ni Kuya Amiel kaya dali-daling nagpahatid ako kay Hans doon para puntahan sila. Halos isang buwan rin sila sa ospital at walang nag-aasikaso kaya hindi ko sila maiwan-iwan.

Lulugo-lugong pumasok ako sa sasakyan at nagdrive papuntang mall kung saan naroon ang coffee shop ni Tita Angela.

Mga isang oras ata akong naghintay nung dumating siya. Agad naman niya akong ginawaran ng ngiti at niyakap.

"Kamusta, anak? Tagal mong hindi nagawi rito ah" Nakangiting saad nya.

"Medyo may inasikaso lang po. Ahm Tita, si Jarred po?" Medyo nahihiya ko pang tanong. Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi mo ba kasama? Umalis sila ni Riri sa bahay nila e. Ang paalam sa akin, magbabakasyon daw. Akala ko nga kasama ka e" feeling ko ay umusok ang bumbunan ko sa narinig. Tinataguan na naman ba niya ako?

"Pwede ko po bang malaman kung anong number nya?" Susuntukin ko talaga sa gums yung lintik na yun pag nakita ko.

Agad namang tumalima si Tita at inabot sa akin ang phone niya. Kinuha ko ang number ng walanghiyang lalaki at agad na kinontak siya.

Nakakatatlong ring pa lang ay sinagot na nya ang tawag ko.

"Walang--"

"Hello po!" Natigilan ako ng isang maliit at malambing na tinig ang narinig ko mula sa kabilang linya. Napahawak ang dalawang kamay ko sa phone dahil pakiramdam ko'y maiibagsak ko yun.

Abot abot ang kaba sa dibdib ko. Parang gusto kong irecord ang boses niya at pakinggan araw-araw.

" .. *baby, who's that?* .. *I don't know, Dad. No one's answering*" mahigpit ang kapit ko sa aparato habang pinakikinggan ang usapan nilang mag-ama.

"Hello? Who's this?" Nawala ang mala-anghel na tinig at napalitan ito ng isang baritonong boses.

"Pag di ka pa nagsalita, ibababa ko na to" narinig kong sabi ni Jarred kaya natauhan ako.

"Wait!" Sigaw ko. Napatingin tuloy sa akin ang mga costumer ni Tita. Nahihiyang nginitian ko na lang sila.

"Babe?" Lalo lang akong nakaramdam ng inis.

"Don't 'babe babe' me, Sandrino! Saan mo na naman dinala ang anak ko?!" Pabulong na asik ko para hindi makaistorbo sa mga costumer na gusto ng kapayapaan.

Narinig kong natawa si Jarred.

"Ikaw ang nasaan? Ang tagal na naming naghihintay dito. Kailan ka uuwi?"

"Saan nga?! Peste ka, saan ba kasi kita  pupuntahan?!"

"Saan ba sa tingin mo?"

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Jarred. Wag mo nga akong paglaruan"

"Basta umuwi ka na. Hihintayin ka namin" pagkatapos niyang sabihin yun ay pinatay na niya ang tawag. Tinry ko ulit siyang tawagan ngunit naka off na ang phone niya.

Langya! Saan ba kasi ako uuwi?!

-

"Hey! Okay ka lang? Parang mas kabado ka pa kesa sa ikakasal ah" puna sa akin ni Charles na siyang bestman ni Nico.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon