Czarina Eunice's
"Wow! Look at you baby. You are so beautiful. You look like an angel" nakangiting sabi ni Mommy pagkakita nya sakin. Dali-daling lumapit siya at sinapo ang mukha ko. Napapikit na lang ako nung haplusin nya ang pisngi ko. Sa daming beses na nag-away bati kami ni mommy, di pa rin maitatangging siya parin ang pinaka best friend ko.
"Thank you, Mommy. Kanino pa ba ako magmamana? Syempre sa inyo" nakangiting sabi ko. Ngumiti lang siya at tinapik tapik ang pisngi ko.
Tumayo siya sa likuran ko at inayos ang maliit na tiara na nakapatong sa ulo ko. Nagtama ang mga mata namin sa salaming nasa harapan at sabay kaming napangiti.
"Ang bilis talaga ng panahon. Dalaga na ang bunso ko" nakangiting sabi pa rin nya. Malamlam ang mga mata nya na wari mo'y may namumuong luha sa gilid nun dahil ngayon nga ay nagdiriwang ako ng ikalabing walong kaarawan na gaganapin sa isa sa mga resort na pag-aari ng pamilya namin.
Sa totoo lang, hindi ko pinangarap yung ganito karangyang debut. Sapat na sakin yung kasama ko si Mommy, si Kuya, si Jarred at ang mga kaibigan ko. Yun nga lang, hindi pumayag si Mommy sa gusto ko dahil ang tagal na pala nyang naplano ang araw na to. Nagulat na lang ako last month nung inabot nya sakin ang mga invitations at sabi nya, ipamigay ko daw sa mga kaibigan ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano nya nakilala ang mga bago kong kaibigan. Ang tagal ko na kasing hindi siya nakakakwentuhan kaya walang pagkakataon na naipakilala ko sa kanya ang mga college friends ko.
"Mom, ako pa rin kaya yung baby nyo" nakangusong sabi ko. Natawa lang siya at napailing.
"Asus. Baby ka na ni Jarred e" nag-init ang pisngi ko sa sinabi nya. Isa rin sa ipinagpapasalamat ko ay ang pagtanggap nya kay Jarred.
"Mommy naman" nahihiyang saway ko sa kanya. Narinig ko ulit ang pagtawa nya. Napapikit na lang ako para mas namnamin at pakinggan ang mga hagikhik nya. Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang tawa nya. Isa sa mga wish ko talaga ay ang kaligayahan ni Mommy. Ayoko nang makita na umiiyak at nagmumukmok siya sa kwarto.
Napadilat ang mga mata ko nung naramdaman kong malamig na bagay na pumalibot sa leeg ko. Nakita kong sinuotan ako ni Mommy ng isang kwintas. Hinawakan ko ang pendant nun at nakita ko ang isang papusong hugis na dyamante.
"Thank you, mommy" nakangiting sabi ko sa kanya. Hinawakan rin nya yun at tumitig sa mga mata ko.
"This is my heart, sweetie"
"Po?" Naguguluhang tanong ko.
"Ingatan mo to ha. Para kahit saan ka pumunta, kasama mo ako. Mahal na mahal kita, Anak" tuluyang tumulo ang mga luha ko sa sinabi nya. Yumakap ako sa kanya at siniksik ang mukha ko sa leeg nya. Wala akong pakialam kung masira ang ayos ko. Ang mahalaga, kayakap ko ang mommy ko. Sana lang talaga, bumalik na kami sa dati.
"Don't cry, sweetie. Sige ka, tatakbuhan ka ni Jarred" natatawang sabi nya kaya natawa na rin ako at kumalas sa yakap.
"I love you, mommy" muli nyang hinaplos ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.
"Tandaan mo lagi ang bilin ko ha. Dapat strong ka. Kahit hindi mo na ako kasama, dapat strong ka" binalot ng kaba ang puso ko.
"San po ba kayo pupunta?"
"Wala naman" parang wala lang na sabi nya at ni-retouch ang make up ko.
"Mommy, wag nyo po akong iiwan ha. Konti na lang po gagraduate na ako ng college. Makakalayo na tayo kay Daddy" may dumaang kung anong emosyon sa mga mata nya ngunit tinago nya iyon sa likod ng mga ngiti.
Sabay kaming lumingon sa pinto nung bumukas iyon at iniluwa si Jarred. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko nung nagtama ang mga mata namin. Ang gwapo gwapo ng manliligaw ko. Limang buwan na rin siyang nanliligaw ulit sakin at talagang nakikita ko yung mga effort nya. Mas nakikilala ko tuloy siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
Ficção Geral'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...