Czarina Eunice's
"Paano ba yan, di na tayo classmates sa second year. Masyado mo kasing ginalingan" tatawa-tawang sabi sakin ni Jarred at umakbay pa talaga ang walanghiya.
"Bakit kasi di ka nag-aayos mag-aral? Di ba ako magaling magturo?" Nakangusong tanong ko.
Narito kami sa may study area. Bigayan ngayon ng books at hanapan ng section.. May orientation na rin kanina dahil pasukan na next week.
Pinisil nya ang ilong ko kaya napasimangot ako. Ewan ko ba, mas naging komportable kami sa isa't isa. Sya kasi yung naging rant person ko lalo na pag nakakaramdam ako ng inis kay Daddy. Ganun din naman ako sa kanya.
"Magaling kang magturo pero may limitations talaga yung utak ko" natatawang sabi nya kaya binatukan ko sya.
"Kakacomputer mo yan" gustong gusto nya kasi laging umuwi ng maaga dahil pinadalhan sya ng mommy nya ng pc. Ayun trip na trip magdota. Minsan nga hindi na sya nakakareply sakin kaya naiinis ako.
"Hindi ah" kakamot kamot sa ulo nyang sabi kaya inirapan ko sya.
"Pag di ka pumasok kahit achiever man lang sa pasukan, lalayasan na talaga kita" pananakot ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata nya at hinila ako palapit sa kanya.
"Wag namang ganun, babe!" Nakangusong sabi nya. Tinatawag nya akong ganun pag nag-iinarte sya.
"Ayusin mo kasi!"
"Kaya ko pa yung no grades below 80 pero mga 50-50 pa yung sa achiever. Aba'y 85 ang dapat na average nun. Ayaw mo na ba akong patulugin?"
"Fine! Dapat no grades below 80 ha. Kundi bahala ka na sa buhay mo. Magdota ka na lang" ngumisi lang sya at sumaludo sakin.
"Yes, boss" pinisil ko na lang ang ilong nya. Ang kulit talaga nito.
"Bessy! Uuwi na ako. Nandyan na si Daddy e" paalam sakin ni Cala kaya kumaway na lang ako sa kanya. Hinihintay ko na lang naman si Kuya Mon kaya hindi pa ako makauwi.
"Gusto mo, sa bahay ka muna? Dun ka na magpasundo. Miss ka na daw nung kambal e" sabi ni Jarred. Miss ko na rin naman yung mga bata kaya pumayag ako. Tinext ko na lang si Kuya Mon. Nagreply naman sya at sinabing kasama sya ni Mommy sa hospital dahil may check up si Kuya. Baka mamaya pa daw nya ako masundo.
Hinawakan ni Jarred ang kamay ko at sa kabilang kamay naman nya ay yung mga books namin. Pinagsama-sama nya yun sa tali para mas madaling dalhin. Medyo madami yun kaya hirap na hirap syang magbubat.
"Akin na nga yung akin!" Natatawang sabi ko sa kanya.
"Kaya ko naman"
"Mukha ka na ngang hindi mapaanak dyan"
"Judgemental ka. Pag lumaki ang muscles ko, who you ka sakin" binelatan ko lang sya at pinabayaan na. Binitawan ko rin yung kamay nya kaya napanguso sya. Pinanlakihan ko lang sya ng mata kaya wala na syang nagawa kundi kumamot sa ulo nya.
Sumakay kami ng jeep para makarating sa kanila. Hindi ako sanay magcommute pero marunong naman ako. Di naman ako pinalaki ni Mommy na maarte.
Pagdating sa subdivision nila ay sumakay pa kami ng tricycle dahil mabigat nga yung mga books.
Pagdating namin sa kanila ay agad syang napatakbo papasok dahil sa gate palang ay rinig na ang iyak ng kapatid nya. Ako na tuloy ang nagbayad sa tricycle dahil aligaga na sya.
Pagdating namin sa loob ay nasa sofa yung mga bata at may sugat yung isa sa tuhod. Hindi ko sila ma-identify dahil wala silang ipit na palatandaan. Yung isa sa kambal naman at nakayuko lang at nakayakap sa kapatid nya.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...