Czarina Eunice's
Naalimpungatan ako nung naramdaman ko ang munting paggalaw sa tabi ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad na napangiti ng bumungad sa akin ang isang napakagandang anghel.
Tulog na tulog siya habang nakaharap sa akin ang napakaamong mukha. Marahang hinaplos ko ang pisngi niya at hindi ko na napigilan ang pagluha.
Ang tagal kong inasam ang pagkakataong ito.
Hinalikan ko siya sa noo. Napangiti ako nung gumalaw siya at bahagyang ngumuso. Naalimpungatan siguro. Tinapik tapik ko siya para para makatulog ulit.
Nagawi ang tingin ko sa kabilang side ng kama. Napakunot ang noo ko nung makitang wala si Jarred doon. Kanina ay natulog kaming magkakatabi pero ngayon ay wala siya.
Nadako ang mata ko sa wall clock na nakasabit. 1:14 am pa lang. Nasaan ba ang lalaking yun? Kailangan ko siyang makausap. Hindi pwedeng ganito na lang kami na walang kasiguraduhan. Ayoko na ng malabong ugnayan dahil ayokong malayo ulit sa akin ang anak ko.
Dahan-dahan akong tumayo. Kinumutan ko muna si Sabrina at hinalikan muli sa noo. Lumabas ako ng kwarto. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na narito ulit ako. Parang walang pagbabago sa lugar na ito. Kung anong iniwan ko, ganun din ang binalikan ko.
Kanina habang pumapasok kami rito ay bumalik sa akin ang lahat ng masasayang ala-ala na pinagsaluhan namin ni Jarred sa lugar na ito. Mula ng umalis ako ay hindi na muli ako bumalik dito dahil sa takot na tuluyang masiraan ako ng bait. Hindi ko akalaing dito rin pala niya ako hinihintay. Dito ko pa rin pala siya matatagpuan.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Jarred na tutok na tutok sa laptop na hawak nya. Seryoso siyang nakatingin doon habang mabilis ang paggalaw ng mga daliri. Nakasalamin pa siya at walang ka emo-emosyon ang mukha.
Minsan ko lang siyang makitang ganito. Yun ay yung mga sandaling gustong gusto niya ang ginagawa niya. Gaya na lang pag nagrereview kami noon para mas tumaas ang grades niya. Lagi niyang sinasabing hindi siya matalino pero kabaligtaran yun sa observation ko sa kanya. Ang bilis kasi niyang makagets ng tinuturo ko noon. Tamad lang ata talaga siya at gusto lang na magpapansin sa akin.
Marahan akong naglakad papuntang kusina para hindi ko siya maistorbo. Naisipan kong ipagtimpla siya ng kape dahil mukhang wala siyang balak matulog.
Walang ingay na nilapag ko ang kape sa coffee table na nasa harapan niya. Narinig ko ang paghinto ng pagtipa ng keyboard kaya napatingin ako sa kanya. Nagtatakang nakatingin din siya sa akin.
"Coffee?" Alanganing sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti. Mukhang nakaistorbo pa ako.
Inalis nya ang salamin niya at binaba ang laptop sa coffee table. Impit na napatili ako nung hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para makaupo sa tabi niya.
"Bakit gising ka na?" Nakangiting tanong niya. Napaiwas naman ako ng tingin.
Hindi ko alam kung para saan ang kaba ko at ang pang-iinit ng pisngi ko. Akala ko immune na ako kay Jarred pero hindi pa rin pala.
"Nauhaw kasi ako. Uminom lang ako ng tubig." palusot ko na lang at pasimpleng lumalayo sa kanya. Para kasing naso-suffocate ako.
Tinitigan lang niya ako at parang inaarok kung ano ang totoong iniisip ko.
"Ahm .. sorry sa istorbo. Babalik na ako sa kwarto" akmang tatayo ako nung bigla nya akong hinapit at niyakap. Tila nanigas ako at hindi makagalaw. Dumoble ang dagundong ng puso ko dahil sa ginawa niya.
"Ang tagal kitang hinintay" bulong niya sa akin habang nakasiksik sa leeg ko.
"Hinintay? Pinagtaguan mo nga ako. Kung saan saan ako naghanap pero hindi ko kayo nakita" hindi ko itinago ang hinanakit sa boses ko. Kung gusto naming maayos ito, dapat open kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...