Chapter 27

111 6 0
                                    

Czarina Eunice's

"I need to go" paalam ko na lang sa mga bata at sinimulan nang tumakbo. Hindi na ako nangahas lumingon dahil baka manlambot ang tuhod ko pag nakita ko ang mga mata nya.

"Eunice sandali!" Narinig kong sigaw nya kaya lalo kong binilisan ang takbo. Napapatingin na sakin ang mga tao sa paligid at nababangga ko na rin ang iba pero wala akong pakialam.

Marupok ako pagdating kay Jarred kaya ayoko nang mangahas na kausapin siya dahil alam kong bibigay at bibigay lang ako sa kanya.

Kinuha ko ang phone ko at ilang beses minura si Zach sa isip ko. Asan ba ang lalaking to?!

"Fuck you, Zacharius!" Sigaw ko nung sagutin nya ang tawag.

"Woah, chill! Asan ka na?"

"Gago ikaw ang nasaan? Dali! Dalhin mo ang kotse salubungin mo ako" Sigaw ko sa kanya. Hindi na naman siya nagtanong at sinunod na ako. Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang sasakyan nya.

Akala ko ay makakahinga na ako ng maluwag pero nanlaki ang mga mata ko nung may humawak sa braso ko.

"Hanggang kailan mo ako tatakbuhan?!" Gigil na gigil na tanong ni Jarred. Bumuntong hininga ako at wala nang nagawa kundi ang lingunin siya.

Ang linis ng hitsura nya. Maayos ang gupit ng buhok, walang balbas at bigote ngunit, nangangalumata siya. Kailan ba huling natulog to?

"Kailangan ko nang umalis, Jarred" mahinang sabi ko.

Lalong tumalim ang mga mata nya.

"At kailangan ko ng paliwanag!"

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo. H-hiwalay na tayo"

"Asawa kita"

"Hindi narehistro ang kasal" bumalatay ang sakit sa mga mata nya. Lumuwag ang kapit nya sa braso ko kaya sinamantala ko ang pagkakataong lumayo sa kanya.

"I'm sorry" mahinang sabi ko at tumalikod na.

"Babe, miss na kita" narinig kong sabi nya. Pinigilan kong mapahagulhol. Tuloy-tuloy lang akong naglakad hanggang sa makapasok ako sa kotse ni Zach.

"Are you okay?" Nag-aalalang nyang tanong. Hindi na ako sumagot at umiyak na lang nang umiyak.

Puro hagulhol ko lang ang naririnig sa buong sasakyan. Tahimik lang na nagmamaneho si Zach palayo sa lugar na yun. Palayo kay Jarred.

-

Hindi ko na nakita si Jarred matapos noon. Nagfocus ako sa trabaho. Ginawa ko ang lahat para magtagumpay at kunin ang loob ni Daddy.

Pakiramdam ko, mas naging maayos ang relasyon namin ni Daddy. Napapadalas ang pagpuri nya sakin at hindi na rin kami nagkakasagutan. Nandun pa rin si Frances sa bahay and somehow, nakakasanayan ko na. Wala naman siyang ginagawang masama.

Isa na lang ang kailangan, ang malaman kung nasaan si Kuya Amiel. Miss na miss ko na ang kapatid ko. Sobrang nag-aalala ako sa kanya pero may tiwala ako kay Daddy. Alam kong tutupad siya sa pangako nya.

"Calaia Anne! Anong pagkain dito?" Pabalang kong binuksan ang opisina ni Cala at basta na lang pumasok. Dito ako laging nakikikain dahil maraming foods dito. Mahaba ang buhok ng babaeng to e. May Charles na supplier.

"Nandiyan sa may table. May dinalang kare-kare si Charles" sagot naman nya at binalik ang atensyon sa dinodrawing nya.

"Sagutin mo na kasi si Mr. Policeman" pang-aasar ko sa kanya.

"Tigilan mo nga ako. Kumain ka na lang" masungit nyang sabi. Nginisihan ko lang siya at naghain na ako.

"Seriously beshy, wala kang balak magjowa? Wag ka nang umasa kay Nicholas, dalawa na anak nun" natatawang sabi ko.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon