Chapter 36

112 10 3
                                    

Czarina Eunice's

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Puting kisame at amoy ng alcohol ang bumungad sa akin.

"I'm glad you're awake" si Daddy ang nagsalita. Nahihilo pa rin ako pero pinipilit kong bumalik ang wisyo ko. Agad kong nilibot ang paningin ko dahil may gustong makita ang mga mata ko.

"N-nasaan ang anak ko, Dad?" Unang lumabas sa bibig ko. Pinilit kong umayos ng upo at sumandal sa headboard ng kama.

Narito pa rin ako sa kwartong pinagdalhan sa akin ni Daddy mula ng sunduin nya ako sa Batangas. Halos dito na ako namamalagi at nakakulong hanggang sa kahapon nga ay nanganak na ako. May dumating lang na doktor para paanakin ako.

"I don't know" kibit balikat na sabi nya na wari mo'y walang pakialam. Natigilan ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya.

"Anong you don't know? Dad nasaan ang anak ko?!" Sigaw ko sa kanya.

"Kinuha ng magaling mong lalaki kahapon. Nagulat na lang akong nagparito siya pagkapanganak mo tapos tinangay na niya ang bata" pilit kong prinoproseso ang mga sinasabi nya.

"P-paano? Di ba sabi mo hindi ako makikita ni Jarred dito?! Paano nya nalamang narito ako? Bakit pinabayaan mo siyang kunin ang anak ko?!" Iyak ko ng iyak at pilit na tumayo. Pinaghahampas ko ang dibdib ni Daddy. Puno ng galit ang puso ko.

"Marami silang nagpunta rito. May malaking grupong tumulong sa kanya kaya wala akong nagawa!" Sigaw nya pabalik habang hawak ang magkabilang balikat ko. Parang kandilang nauupos ako. Napaluhod na lang ako sa harap ni Daddy. Hinang-hina ako.

"Ang anak ko" hindi ko man lang siya nahawakan. Hindi ko man lang siya nahalikan at nasilayan. Saglit ko lang narinig ang iyak nya.

"Tumayo ka diyan. Hindi bagay sa anak ko ang maging mahina" rinig ko sabi nya pero hindi ko siya pinakinggan.

Nanatili ako sa sahig habang yakap ang mga tuhod ko. Iyak lang ako nang iyak habang umaasang may maririnig akong umiiyak na sanggol.

Noong araw na nagpunta sa Batangas si Daddy ay marami siyang sinabi sa akin. Sinabi nyang hindi naging tapat sa akin si Jarred. Na niloloko lang daw ako nito at anak ko lang daw ang habol nito sa akin.

Syempre, hindi ako naniwala pero may mga pinakita siya sa aking mga pictures na hindi ko alam kung paano nya nakuha. Kuha yun mula sa school na pinagtatrabahuhan ni Jarred.

Habang tinitingnan ko ang mga larawan ay parang may sumasakal sa akin. Ang sakit palang makitang may nakahilig na babae sa mahal mo. Kasabay kumain, katawanan at mayroon ding parang nakahalik sa kanya. Hindi ako sigurado dahil medyo nakatalikod naman sila sa gawi ng camera.

Napuno ng luha ang mga mata ko. Nahihirapan na akong huminga. Naramdaman kong niyakap ako ni Daddy kaya humilig ako sa kanya.

Ang huling litrato na pinakita nya sa akin ay ang mukhang bago lang. Nasa cellphone lang nya yun at mukhang may nagsend lang sa kanya. Kuha yun mula sa team building nila. Sweet na sweet sila nung babae kahit saang anggulo tingnan. Marami pa yun pero hindi ko na kayang tingnan.

"Go home, sweetie. I promise you, makikita mo na ang Kuya Amiel mo" malambing na sabi ni Daddy. Dahil sa galit ko kay Jarred at kagustuhang makita ang Kuya ko ay sumama na ako kay Daddy pauwi.

Hindi ako sa bahay inuwi ni Daddy. Dinala nya ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan at hindi ko pa rin nararating kahit na kailan. Malapit iyon sa dagat kaya sure ako na isa ito sa mga beach resort na pagmamay-ari nya.

"Dito ka muna mamalagi. Hindi ka mahahanap dito ng walang kwentang lalaking yun"

"Dad, hindi ko pinagtataguan si Jarred. Gusto ko pa ring maniwala na hindi nya magagawa sa akin ang bagay na yun. Kaya lang ako sumama sayo ay dahil gusto kong makita ang Kuya ko" mahinanong sabi ko.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon