Czarina Eunice's
"Hoy, anong drama mo diyan? Kanina ka pa pinagtitinginan ng mga tao oh!" Naramdaman kong itinayo ako ni Zach at pinagpagan nya ang medyo nadumihang pantalon na suot ko.
"Zach, nandito si Jarred. Nakita ko siya. Nakausap ko siya" iyak lang ako nang iyak habang nagsusumbong kay Zach.
Ang sikip sikip ng dibdib ko. Sa isang iglap na nagtagpo muli ang landas namin ni Jarred ay bumalik lahat ng sakit na nananatili sa puso ko sa loob ng halos anim na taon.
"Shush. Tahan na" pang-aalo sa akin ni Zach habang hinahaplos ang likod ko.
"Kailangan kong makausap si Jarred, Zach" parang batang nakahawak ako sa laylayan ng t-shirt ni Zach. Di alintana ang tingin ng mga taong dumadaan pati na rin ng isang babaeng nasa likuran niya.
"Bakit pa? Diba sinaktan ka lang naman ng gagong yun?"
"Dahil kailangan ko ang anak ko. Kailangan kong bawiin ang anak kong pinagkait nya sa akin sa loob ng maraming taon!" Napupunong sigaw ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at umawang ang bibig.
Wala akong kahit na sinong pinagsabihan tungkol sa anak namin ni Jarred. Hindi sa tinatago o kinahihiya ko siya kundi ako ang nahihiya para sa sarili ko. Hindi ko man lang kasi siya naalagaan kahit na kailan. Pakiramdam ko kasi ay nakapawalang kwenta kong ina.
"God, Eunice. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Di makapaniwalang bulalas ni Zach at hinapit ako para yakapin. Doon nawalan ng lakas ang tuhod ko at tuluyan na akong napaluhod.
"Tahan na, Cza. Promise, tutulungan kitang mahanap siya" pangako sa akin ni Zach ngunit hindi ko makapitan yun. Hindi ako makaasa dahil alam kong mahirap talagang mahanap ang taong ayaw magpahanap.
Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Zach at inalis sa lugar na yun. Pumasok kami sa isa sa mga resto sa commercial building na kinaroroonan namin. Pinaupo ako ni Zach sa isang couch at pinaypayan gamit ng kamay nya.
Ilang sandali pa ay lumapit na rin sa amin ang babaeng nasa likuran nya kanina at inabutan ako ng tubig. Binigyan ko naman siya ng isang tipid na ngiti para pasalamatan.
Wala pang tao sa restaurant na yun. Siguro ay dahil maaga pa nga masyado.
"Okay ka na?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Zach. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko masagot si Zach dahil ayokong magsinungaling. Hindi ako okay.
Matagal nang hindi ako okay.
Pakiramdam ko'y nabuhay lang ako sa mundong ito para maging isang manikang de susi na pagmamay-ari ng tatay ko. Walang ibang dapat gawin kundi ang sumunod lang sa utos nya kahit kapalit pa ng kaligayahan ko.
"That's the reason kung bakit hindi ako pwedeng magpakasal sayo, Zach. Kailangan ako ng anak ko" ani ko sa kanya kahit na pakiramdam ko'y hinang-hina ako.
"Hindi talaga tayo pwedeng maikasal, Eunice. Di ko iiwan si Desiree" sabi naman nya sabay hawak sa kamay ng babaeng kanina pa nakamasid sa amin.
Pagak akong natawa. Pati kami ay naiipit dahil sa katangahan ng mga magulang namin.
"Pakasalan mo na kaya yan ngayon din para di ka maikasal sa akin" biro ko sa kanya. Umismid naman siya at inirapan ang nobya.
"Ang tagal ko nang nagpopropose, ilang beses akong ni-reject. Kaya nga naiisip ko nang anakan para hindi na makatakbo" nakatikim naman siya ng hampas sa balikat mula sa babae.
"Sira! Lagot ka sa Kuya ko saka 15 years old pa lang ako, nagpropose ka na. Natakot tuloy ako, akala ko matandang manyakis ka" mahinhing sabi naman ni Desiree. Saka ko lang naalala na siya yung matagal nang binabakuran ni Zacharius.
![](https://img.wattpad.com/cover/262295204-288-k249227.jpg)
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...