Chapter 32

120 8 1
                                    

Czarina Eunice's

"What do you mean, Dad?" Naguguluhang tanong ni Jarred.

"Parang kasing narinig ko na yung pangalang yun. Mayroon ba kayong picture nya?" Nagkatinginan kami ni Jarred. Huminga ako ng malalim at kinalkal ko ang phone sa bag.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahanap ang picture ni Tita sa gallery. Nung nakakita ako ay inabot ko yun kay Tito Jun. Tumingin muna siya sa akin bago ibaling ang atensyon sa cellphone ko.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata nya nang makita ang nasa larawan. Nabitawan pa nya ang phone ko. Walang emosyong tumingin siya sa akin kaya kinabahan ako.

"Kaano-ano mo ang babaeng to?"

"S-stepmother po"

"Dad, may problema ba? Kilala mo ba siya?"

Bumuntong hininga si Tito at uminom ng tubig bago walang emosyong tumingin muli sa amin.

"Hindi. Umalis na kayo. Busy kami rito" dire-diretsong lumabas siya ng opisina. Naiwan kami doong tulala at gulong-gulo ang utak.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Jarred nung biglang sumakit ang tiyan ko. Masuyong binuhat nya ako at nagmamadaling naglakad palabas ng talyer.

Ramdam ko ang kaba nya pero pinipilit nyang maging kalmado.

"Hold on, baby" paulit-ulit na sabi ni Jarred habang nagmamaneho samantalang ako'y paulit-ulit ang panalangin na sana maging okay lang ang baby ko.

Nakarating kami sa ospital at salamat naman sa Diyos na okay lang ang lahat. Pinayuhan lang ako ng doktor na iwasan ang stress.

"Babe, mas mabuti nga sigurong umalis muna tayo dito. Saka na natin intindihin ang lahat ng gusot dito pag okay na kayo ni baby. Ayokong isugal ang kaligtasan nyo dito. Masyadong magulo" bakas ang pag-aalala nya. Tuluyang tumulo na rin ang luha nya habang hawak ang kamay ko.

Kahit na gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari ay ayoko rin namang mapahamak ang anak ko kaya pumayag ako sa gusto nya.

Nagstay kami ng isang araw sa ospital para makasiguro bago kami bumyahe patungong rest house. Hindi ko alam kung makakatagal kami o kung paano kami makakasurvive ng ilang buwan dahil kanina ay napag-alaman naming naka-freeze ang lahat ng bank accounts ko. Sigurado akong kagagawan yun ni Daddy.

"We'll get through this, babe. Di ko kayo pababayaan" sincere na sabi ni Jarred. Pilit ko lang siyang nginitian dahil hindi ko pa rin maiwasang mag-isip.





"Good morning, babe. Anong gusto mo for breakfast?" Nakangiting bungad sa akin ni Jarred pagkagising ko. Hindi ako sumagot sa kanya at basta na lang sumiksik. Gustong gusto kong maramdaman ang init na nagmumula sa kanya.

"Anong gusto ng baby ko?" Malambing na tanong nya habang hinahaplos ang buhok ko. Umiling lang ako at sumiksik sa leeg nya.

Bakit ang bango ng lalaking to? Di nakakasawang amuyin.

"Di pwedeng hindi ka kakain. Magugutom si baby" natatawang sabi nya habang ang isang kamay nya'y humahaplos sa tiyan ko.

Isang buwan na kaming namamalagi rito at tatlong buwan na rin ang baby sa tiyan ko. Walang nakakaalam na narito kami. Maging mga kaibigan ko ay hindi alam ang sitwasyon ko.

Sa mga panahong namamalagi kami dito, nakita ko kung paano mag-alaga si Jarred kaya naging madali lang sa akin ang pagbubuntis.

"Hubarin mo shirt mo, babe" nakangusong sabi ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi'y kulang pa ang pagkakasiksik ko. Kung pwede lang pumasok na rin ako sa katawan nya, gagawin ko. Gusto ko lagi siyang nakadikit sa akin. Blame it to the hormones!

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon