Czarina Eunice's
"Here, take this" agad na inabot sakin ni Daddy ang isang maliit na supot at isang bote ng mineral water pagkasakay na pagkasakay ko ng sasakyan.
I didn't expect him to be here. Mukhang sinisiguro talaga nyang hindi ako susuway sa kanya.
Nagtatakang binuklat ko ang supot at tumambad sakin and maliliit na tableta. Emergency contraceptive pills. Sigurista talaga.
"Hindi ako ipinanganak kahapon" maikling sabi nya habang nakatitig lang ako sa tabletang hawak ko. Pagak na natawa ako pero hindi na nagsalita. Agad ko iyong binuksan at ininom.
Siguro, okay na rin yun. Kaysa hindi ko mabigyan ng kumpletong pamilya ang bata kung sakaling may nabuo man sa nangyari sa amin ni Jarred.
Pagkatapos kong uminom ng tubig ay ihinilig ko ang ulo ko sa may bintana at ipinikit ang mga mata. Ramdam na ramdam ko ang pagod at pananakit ng katawan. Di pa nakatulong ang mga senti songs na pinapatugtog ni Kuya Roy, ang personal bodyguard slash driver ni Daddy kaya lalo akong ginumon ng antok.
Naalimpungatan ako nung may marahang tumapik sa pisngi ko. Nagising akong nakahilig na sa balikat ni Daddy habang ang mga braso nya ay nakapalibot sa balikat ko at ang kamay ay nakapatong sa ulo ko.
"Fix yourself. We're here" maikling sabi nya at pinakawalan na ako. Tumingin ako sa labas at napansin kong wala kami sa bahay kundi nasa isang airport.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Doon ka muna sa Davao. Ikaw na ang bahala sa mga branches natin sa Mindanao"
"Di man lang ako nakapagpaalam kina Cala bago mo ipatapon sa ibang lugar"
"I already gave you a week"
"Whatever" inirapan ko siya at basta na lang lumabas ng sasakyan.
"Take care, sweetie. Make your Daddy proud" nakangiting sabi nya at hinila ako para halikan sa noo.
Hindi na ako sumagot at tinalikuran na siya. Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng matandang yun. Sinasaktan nya ako emotionally pero yung mga gestures nya, ganun yung mga hinahanap ko dati sa kanya. Bakit ngayon pa siya naging ganun? Kung kailan hindi na kami buo at wala na si Mommy.
Naging tahimik lang ako sa byahe. Gustong gusto ko nang mahiga dahil sobrang sakit talaga ng katawan ko.
Ilang sandali pa ay lumapag na ang eroplano. Sabi ni Daddy may susundo daw sakin dito at magdadala sakin sa isang hotel na pagmamay-ari nya. Doon ako mamamalagi habang narito ako.
Wala akong bagaheng dala dahil sabi sakin ni Daddy ay dito na lang daw ako mamili pero wala akong planong magliwaliw ngayon. Ang gusto ko lang ay humiga.
Nakita ko naman agad ang susundo sa akin at ilang sandali pa nga ay nakarating na kami sa hotel.
Malaki iyon at komportable, ano pa't isa ang mga hotel namin sa kilala talaga sa bansa. Narinig ko ring nagbabalak si Daddy na magtayo na rin sa iba pang mga bansa. Bahala siya. Pakalunod siya sa pera, as if mapapasaya siya noon.
Nagtungo ako sa banyo para maligo. Napangiwi na lang ako nung naamoy ko pa ng amoy ni Jarred sa sarili ko. Ang layo ng narating ko, amoy .. err whatever.
Habang naliligo ay pilit kong winawaglit sa isip ko si Jarred pero hindi ko magawa. Kusa siyang pumapasok sa isip ko na parang nakaprograma na talaga siya doon.
Gising na kaya siya ngayon?
Hinahanap na ba nya ako?
Galit na ba siya sa akin?
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...