Chapter 21

112 9 1
                                    

Czarina Eunice's

"Road to OJT!" Sabay-sabay naming sigaw na magkakaklase matapos naming mag-defense. Grabe akala namin di na kami makakasurvive dahil sunod sunod yung mga projects at exam namin tapos may research pa.

"This calls for a celebration!" Sigaw rin ni Michelle kaya nakihiyaw na rin ang iba.

Nagplano sila kung paano magcecelebrate kaya pinabayaan ko na lang. Lumapit ako kay Cala na agad na ngumiti nung makita ako. Wala na sila ni Nicholas at nasa moving on stage na siya. Alam kong nalulungkot pa rin siya pero hindi naman namin pinararamdam sa kanya na nag-iisa siya.

Malaking kawalan kaya siya ni Nicholas. Ganda-ganda ng bestfriend ko e.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman pagod lang ako. At least makakatulog na tayo ng mahimbing ngayon" nakangiting sabi nya. Niyakap ko naman siya at nung nakita kami ng ibang girls, naki-group hug rin sila samin.

Malaking factor itong mga kaibigan ko sa pagmomove-on sa pagkawala ni Mommy. Hindi talaga nila ako pinabayaan kaya kahit papaano, nagheal yung sugat sa puso ko.

Syempre, hindi rin umalis sa tabi ko si Jarred. Hindi pa rin nawawala ang mga petty fights namin pero napakapasensyoso nya kaya sa huli ay nagbabati rin kami.

"Kitakits mamaya sa Event Zone ha!" Paalala samin ni Ericka paglabas namin ng gate ng school. Tumango lang kami at kumaway pabalik. Medyo maaga pa kasi at kailangan naming magbihis muna.

"Sa tingin mo, makakalusot si Vince kay Cala?" Natatawang tanong ni Hannah habang nakatingin sa kaibigan kong nakasimangot habang kinukulit ni Vince.

"Malabo" natatawang sagot ko rin. Kilala ko yang babaeng yan. Hindi talaga siya lumalapit sa lalaki pag ayaw nya.

Napalingon ako sa gilid ko nung may pumaradang motor. Napataas ang kilay ko nung bumungad ang nakangising mukha ni Jarred pagtanggal nya ng helmet.

"Hi babe" bati nya sakin nung nakalapit siya.

"Kailan ka pa nagmotor?"

"Kay Daddy yan. Hiniram ko lang" umuwi kasi ang parents nya last month. Ito na ata ang pinakamatagal na bakasyon nila dahil nakaisang buwan na ata sila dito.

"Marunong ka ba nyan?"

"Makakarating ba ako dito kung hindi?" Pambabara pa nya kaya inirapan ko siya. Kahit kailan talaga to!

"Napaka mo talaga! Tara na, may celebration pa kami mamaya" ngingisi ngising hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan akong sumakay sa motor nya. Kumaway na lang ako sa mga kaibigan ko para magpaalam.

Hinatid muna ako ni Jarred sa bahay at sinabing susunduin na lang daw ako mamaya.

Pagpasok ng bahay ay agad nakakuha ng pansin ko ang familiar na babaeng nakaupo sa sofa. Parang siya ang may-ari ng bahay kung makaasta sya.

"Hi Eunice" nakangiting bati nya at agad na tumayo. Parang modelo siyang lumapit sakin at humalik sa pisngi ko.

"What are you doing here?" Hindi ko na itinago ang inis sa boses ko. Parang walang pakialam na ngumiti lang sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ako magpapatalo sa kanya.

"France, what are you doing?" Sabay kaming napalingon nung biglang nagsalita si Daddy. Kagagaling lang siguro nya sa cellar dahil may hawak siyang alak.

"Nothing, Darling. I just want to great your beautiful daughter" nakangiting sagot nya habang hinahaplos haplos ang buhok. Inis na pinalis ko naman ang kamay nya at buong tapang na hinarap si Daddy.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon