Chapter 41

129 10 1
                                    

Czarina Eunice's

"Sis, tara sundan natin sila" hila-hila ako ni Ericka ngunit nanatili lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko. Tila napako ako doon at hindi ko maigalaw ang mga paa ko habang tinitingnan ang anak kong naglalakad papalayo sa akin.

"Aish! Nakasakay na tuloy sila ng sasakyan. Kilala mo ba yung babaeng yun?!" Inis na tanong sa akin ni Ericka. Ang tanging naging sagot ko na lang ay ang pag-iling.

Hindi ko pa kailanman nakikita ang babaeng yun. Alam kong maraming kamag-anak na babae si Jarred pero nakita ko na naman sila noon ngunit yung babae kanina, ngayon ko lang siya nakita. Nag-asawa na ba siya? Iba na ba ang kinikilalang ina ng anak ko?

"Sis. Kailangan mong maging matatag. Wag kang papayag na mawalan ng karapatan sa anak mo. Bawiin mo kung ano ang sayo" sunod pang sambit ni Ericka habang yakap ako.

Bakit ganun? Nakita ko nga ang anak ko pero doble naman ang sakit na kalakip noon.

"Mommy!" Kumalas si Ericka sa pagkakayakap sa akin nang biglang sumulpot si Gideon sa tabi nya at yumakap sa bewang nya.

"Hi Ninang Eunice. Bless po" nakangiting bati nya nang makita ako at kinuha ang kamay ko para magbless. Pinilit ko siyang nginitian at ginulo ang buhok nya.

"Let's go na, Sis. Dun muna tayo tumuloy sa bahay nina Mommy" yaya sa akin ni Ericka habang hawak sa kabilang kamay si Gideon.

"Hindi na sis. May kailangan pa akong puntahan" kahit wala naman talaga. Ayoko lang umuwi at gusto kong mag-isip isip.

"Are you sure?" Nag-aalalang tanong nya.

"Yeah. Hatid mo na lang ako sa pinakamalapit na mall"

"Okay. Let's go"

Habang nasa byahe ay kinokontak ko si Zach pero busy siya. Ayaw ko namang mang-gambala sa mga kaibigan ko dahil alam kong sobra na ang pang-aabala ko sa kanila dahil sa sapilitang bonding namin nung isang gabi. Last option ko si Hans na thankfully naman ay sumagot.

"This better be good, Eunice. Ang sakit mo sa puson" inis na sagot nya mula sa kabilang linya habang hinihingal pa. Hindi ko na kailangang maging genius para malaman kung ano ang ginagawa nya.

"Lintik ka, Honesto! Katanghaliang tapat pa talaga!" Pabulong na asik ko para hindi marinig ni Gideon ang pagmumura ko.

"Bakit ba? Ine-enjoy ko lang ang bakasyon ko" tambay pa kasi ang lintik na to mula ng umuwi kami mula sa New York. Naghihintay pa siya ng next school year para makapagtrabaho ulit.

"Puntahan mo ako rito sa Quezon Province. Kailangan ko ng kaibigan" malungkot na sabi ko. Bumuntong hininga naman siya at kinausap ang kung sino mang kasama nya bago ako muling binalingan.

"Give me an hour or two. I'll be there"

"Thanks, Hans"

"Yeah, yeah" saka nya binaba ang tawag.

Ipinikit ko ang mga mata ko at muling inalala ang mukha ng anak ko. Tunay nga ang sinabi ni Ericka kanina. Ang gandang bata. Hindi ako makapaniwalang sa akin siya nagmula.

Ibinaba nga ako ni Ericka sa isang mall bago nya ihinatid ang anak sa lola nito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko rito sa mall pero ayoko lang talagang umuwi sa amin. Ayokong makita si Daddy, ayokong magtrabaho sa opisina at ayokong umuwi sa bahay namin.

Sa loob ng mahabang panahon, naging mabuting anak naman ako pero bakit ganito? Parang pinarurusahan ako.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nag-iikot ikot sa mall na yun habang hinihintay si Hans. Hindi makaramdam ng sakit ang paa ko kahit pa ang taas ng heels na suot ko. Pakiramdam ko'y manhid ang buong katawan ko at ang sakit lang sa puso ko ang natatanging nararamdaman ko.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon