Chapter 18

100 8 2
                                    

Czarina Eunice's

"Walanghiya ka, Jarred! Ibigay mo sakin ang address ng walanghiyang pinsan mo ngayon din!" Inis na tinawagan ko si Jarred matapos akong takasan ni Cala para puntahan si Nico. Makakalbo ko talaga yung babaeng yun!

"Kalma, babe. Ano bang nangyari?" Natatawang tanong nya mula sa kabilang linya.

Kinuwento ko naman sa kanya ang nangyari at tinawanan lang ako ng walanghiyang lalaking to.

"Yaan mo sila. Malaki na sila saka sigurado akong hindi gagawa si Nico ng makakasakit kay Cala. Para namang hindi mo kilala yung pinsan ko"

"Naku, isang pagkakamali lang talaga ng pinsan mong yan, kakaliskisan ko sya ng buhay!"

"Kakausapin ko siya. Don't worry"

"K"

"Babe?"

"O?"

"I love you" napanganga na lang ako sa sinabi nya. Bago pa ako makaimik ay binaba na nya ang tawag.

Ang tagal na rin namin ni Jarred at hindi ito ang unang beses na sinabihan nya ako ng ganun pero bakit iba parin ang epekto ng mga salitang yun sakin?

Grabe yung tibok ng puso ko at ramdam na ramdam ko pa rin yung pang-iinit ng pisngi ko.

Hindi pa rin talaga ako immune kay Sandrino!







"Mom? What are you doing?" Kunot noong tanong ko kay Mommy pagkapasok ko ng kwarto nya. Naabutan ko kasing medyo nakaawang ang pinto ng kwarto kaya naisipan kong pumasok.

Simula nung umuwi ako dito galing sa bakasyon sa hacienda nina Zach ay pansin ko ang pag-iiba ng mga kinikilos ni Mommy. Most of the time ay tahimik lang sya at parang laging malalim ang iniisip.

Hindi na rin nya ako pinaghahanda ng pagkain pag dumadating ako from school, hindi na nya ako binibisita bago matulog at hindi na kami nakakapagkwentuhan gaya noon. Miss na miss ko na ang mommy ko.

"Mommy? Bakit ka po umiinom?" Gulat na tanong ko sa kanya nung naamoy ko ang likidong nasa baso na hawak nya. Natatawang napailing na lang siya nung nakita ako.

"Hi sweetie, You want to join me?" Nakangiting tanong nya sakin at iniabot ang baso na may lamang alak. Hindi pa ako nakakatikim ng kahit na anong alak dahil bukod sa minor pa lang ako, wala naman akong kaibigan na umiinom.

"Mommy, ano po bang nangyayari sa inyo?" Nagkibit balikat naman sya at binitawan ang basong hawak. Nanlaki ang mga mata ko nung inabot nya ang bote ng alak at doon uminom ng diretso.

Sa tagal kong kasama si Mommy, ito ang unang beses na nakita kong nag inom sya. Noon ay kahit wine, hindi sya mapapahawak. Ano ba talagang nangyayari?

"Mommy, diba po bawal ang secret? Miss na po kitang kakwentuhan. Simula nung dumating ako galing sa bakasyon, hindi na ulit tayo nakakapagbonding" hindi ko na naitago ang pagtatampo sa boses ko.

"Bonding? Oh, gusto mong magshopping? Let's go. I'll just change my clothes first" tumayo siya at sa pagtayong yun ay nawalan nga siya ng panimbang kaya natumba siya at bumagsak sa sahig. Sa halip na tumayo ay tuluyang humiga siya sa sahig at itinabon ang kaliwang braso sa mata.

Napatayo na rin ako para daluhan siya dahil may natamo siyang konting gasgas sa tuhod ngunit sa gulat ko ay narinig ko ang mahihinang hagikhik niya na di kalaunan ay naging malalakas na halakhak. Natulos ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siyang tumawa nang tumawa habang hawak hawak ang tiyan nya.

"Mommy, natatakot na po ako. Ano po bang nangyayari sa inyo?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya at pagkuwa'y mga hikbi naman ang pumailalim sa buong kwarto. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Awang-awa ako sa estado ni Mommy ngayon.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon