Chapter 14

124 6 6
                                    

Czarina Eunice's

"What the fuck?!"

Sigaw ko pagkaraan ng ilang sandali kaya natahimik ang buong paligid. Nagulat pa nga si Amara sa sigaw ko dahilan para mabagsak nya ang laruan nya.

"Hey, bakit ka nagagalit?" Takang tanong sakin ni Jarred nung nakabawi sya.

"At nagtanong ka pa talaga?!" Sigaw kong muli. Kumamot naman sya sa ulo nya at sinenyasan si Ate Bell na ilayo muna ang mga bata.

"Come on, babe. Kababata ko si Athena at nakiusap sakin ang parents nya na kung maaari, dito muna sya sa amin magstay habang hindi pa sya nakakapag-adjust dito satin. Pumayag naman sina Mommy kaya pumayag na rin ako" paliwanag nya. Tahimik lang naman sa isang sulok yung babaeng yun at bahagyang nakatungo na akala mo, kinakawawa ko sya.

"Okay. Nakapagdesisyon na pala kayo e. Sige magsama kayo" balewalang sabi ko at nagtangka nang tumayo pero nahawakan ni Jarred ang kamay ko.

"Eunice naman, stop being immature" pagak akong natawa sa sinabi nya. For the first time, nakita kong nainis sakin si Jarred at dahil yun sa babaeng to. Matalim ang matang nilingon ko yung babae kahit na hindi nya ako kita dahil nakayuko sya.

"Ay sorry naman. Immature na pala ngayon yung magalit dahil hindi ka man lang sinabihan ng boyfriend mo na may makakasama syang ibang babae sa pamamahay niya. Sorry naman po kung mali ako" sarkastikong sabi ko..

"Axel, Sige na .. hahanap na lang ako ng boarding house" narinig ko namang sabi nung Athena kaya inirapan ko lang sya.

"O yun naman pala e. Tara, samahan pa kita" hindi ko na tinago ang pagkainis ko. Hindi ako plastic na tao at talagang ayoko lang sa kanya.

"No. Magsstay ka dito, Teng. Nangako ako kay Nay Linda na hindi kita pababayaan dito" sabat naman ni Jarred kaya nanlalaking mata na hinarap ko sya.

"The fuck?!"

"Eunice, kargo ko si Athena. First time nya dito at wala syang ibang kakilala. Intindihin mo naman ako" tila inis na inis nang sabi nya.

Nasasaktan ako. Ngayon ko lang nakita na ganito sya.

Kahit na ganun, pinilit ko pa ring magpakatatag at patigasin ang ekspresyon ko.

"Okay. I hope you enjoy your stay here" sabi ko na lang kay Athena at tuluyan nang tinanggal ang hawak sakin ni Jarred. Magsasalita pa sana sya pero tinalikuran ko na dire-diretsong lumabas ng bahay nila.

Hindi ako iiyak. Hindi ako mahina.

Pag labas ng bahay nila ay saka ako nagtatakbo palayo. Unti-unting nanlalabo ang paningin ko dahil kusang lumalabas ang mga luha dun kahit na anong pigil ko. Eunice, strong tayo diba? Bawal umiyak! Kakalasin ko talaga ng lacrimal glands ko pag tuluyang nainis ako.

"Eunice sandali!" Naririnig kong sigaw sakin ni Jarred sa likod pero hindi ko sya nililingon. Hinabol pala nya ako? Lalo lang akong nabwisit! Ayokong makita ang pagmumukha nya.

Takbo lang ako nang takbo. Bakit kasi walang dumadaang tricycle? Bakit ang layo ng gate?! At bakit nagsuot pa ako ng may takong ngayong araw na to?!

"Babe!" Napatigil na lang ako nung bigla nya akong hinawakan sa palapulsuhan, kinabig at niyakap. Napasubsob tuloy ako sa dibdib nya.

"Bitaw!" Matigas na sabi ko at pilit tinatanggal ang pagkakayakap nya sakin pero mas matigas sya at mas hinigpitan yun. Hinaplos haplos nya ang likod ko kaya medyo kumalma ako.

"I'm sorry. Don't cry please" malambing na sabi nya at siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Bitawan mo ako, Jarred!" Pinatigas ko lalo ang boses ko at sinuntok suntok ang dibdib nya pero hinuli lang nya ang kamay ko at ipinalibot sa bewang nya.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon