Czarina Eunice's
"Siraulo talaga yung grupo nina Jarred, no?" inis na inis na sabi ni Cala pagkaupo nya sa tabi ko. Bakit ganun? Naiinis na sya pero ang amo at ang ganda-ganda pa rin ng mukha nya.
"Hindi naman sya yung nagkalas ng bra ni Thea ah" nantrip na naman kasi yung mga kabarkada ni Jarred at ang mga loko, nang unhooked ng bra ng isa naming kaklase habang nagkaklase yung isang teacher namin.
Hindi sa pinagtatanggol ko si Jarred pero kasi, malayo naman sya sa pwesto ni Thea nung mga panahong yun. Ang mali lang nya, nakitawa pa sya sa nangyari kay Thea. Buti na lang at hindi sila nahuli ng teacher dahil hindi rin naman nagsumbong si Thea.
"Pero kasali pa rin sya sa grupong yun. Sana talaga malipat tayo ng section sa second year. Ayoko na silang kaklase" hindi naman malabo mangyari yun dahil pareho kaming honor, baka sa star section na kami next year.
Pag first year kasi dito samin ay wala pang batayan ng section kaya halo-halo ang mga estudyante para mapili talaga nila kung sino ang pwedeng ilagay sa star section.
Hindi na ako sumagot kay Cala dahil baka lalo syang mainis. Tapos na siguro yung vacant namin kaya isa-isang pumasok na ang mga kaklase ko. May mga dalang turon pa ang iba kaya napailing nalang ako. Nagugutom na rin kasi ako pero tinatamad akong pumunta ng canteen kasi malayo.
Bigla namang pumasok ng classroom ang grupo nina Jarred. Lima silang magkakabarkada at sila talaga yung mga pasaway kaya naturingang 'worst section' yung pangkat namin.
Nakatingin lang ko sa kanya habang tahimik syang umuupo sa pwesto nya. Hindi ko pa rin talaga mahuli ang ugali nya. Minsan, tahimik lang sya gaya ngayon. Minsan naman ay para syang bata at minsan ay mayabang din sya. Di kaya bipolar to?
Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher namin sa Filipino. Nagstart na siyang magklase kaya tahimik ang lahat. Medyo may edad na yung teacher namin at mahina na ang boses nya. Dagdag pang last period na namin to kaya sadyang nakakatamad at nakakaantok na.
Napakunot ang noo ko nung napansin kong may kinakalikot na naman yung mga pasaway. Parang dahon yun at nilagay nila sa isang plastic ng ice candy tapos ay dinikdik nila yun. Hagikhikan sila ng hagikhikan. Nasa unahan ko lang kasi sila kaya nakikita ko ang ginagawa nila.
"Sino ang makakapagbuod ng ikatlong kabanata ng 'Ang Alamat ng Ibong Adarna'?" Narinig kong tanong ng teacher namin kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. Nahihiya akong magtaas ng kamay pero alam ko naman yung sagot.
Tumayo si Hans, isa sa mga pasaway kaya napatingin kami sa kanya. Ngumiti naman si Mam dahil akala ata nya ay may sagot ang lalaki.
"Ginoong Samonte, maaari mo bang ilahad dito sa unahan ang iyong kasagutan?" Malumanay na sabi pa nya. Ngumisi lang si Hans at kumamot sa ulo.
"Ah Mam, di ko po alam kung anong nangyari dun" nagtawanan ang mga kaklase ko kaya kumunot ang noo ni Mam.
"Bakit ka tumayo?"
"May I go out po sana" napailing nalang ako. Siraulo talaga. Wala ng nagawa si Mam kundi payagan sya at tumawag na lang ng iba para sumagot.
Sinundan ko ng tingin si Hans. Hindi naman sya lumabas na ipinagtaka ko. Lumapit lang sya sa may aircon at pasimpleng may inilagay dun.
Narinig ko ang mahihinang bilang ng iba pang mga pasaway kaya bumaling ang tingin ko sa kanila. Mga sukbit na nila ang backpack nila.
Ilang sandali pa ay may mabahong amoy na pumalibot sa buong classroom kaya napatakip ako ng ilong.
"Ano yun?" Takang tanong ni Mam
"Mam ang baho po. Di kami makahinga" reklamo ng iba naming mga kaklase kaya walang nagawa si Mam kundi palabasin na kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
Ficción General'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...