Czarina Eunice's
"Czarina" dahan-dahan kong inalis ang brasong nakayakap sakin nung narinig ko ang boses ni Daddy mula sa kabilang linya.
Kanina pa ako gising at nakamasid lang sa payapang mukha ni Jarred habang natutulog.
Dahan-dahang tumayo ako sa kama at tahimik na lumabas ng silid. Saktong isang linggo na kaming narito kaya alam ko na kung bakit tumatawag na ang taong ito.
"I'll be home before dinner" maikling sabi ko.
"Good. The company is waiting for you. Do you want me to fetch you?" I rolled my eyes. Kung iba lang ang sitwasyon, baka matuwa ako dahil parang ang lambing nung pakinggan.
"No need. I can manage"
"The deal is about to begin. Siguraduhin mo lang na wala na sa landas mo ang lalaking yan dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari" huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili ko.
Maraming alas ang hawak ni Daddy sakin kaya hindi ako basta basta makakatanggi. Una si Kuya Amiel, pangalawa ang maaaring mangyari sa kabuhayan nina Jarred at ang huli, si Jarred mismo. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto nya at hindi ko pa rin alam kung ano yun.
"Don't you ever lay a finger on their family, Dad. Tutupad ako sa usapan natin basta alisin mo rin sila sa radar mo"
"I am a man of my words. Sana ganun ka rin" bakas ang sarcasm sa tinig nya.
"Anak mo ako, diba?"
"Right" sagot na lang nya at binaba ang tawag. Napatitig na lang ako sa aparatong hawak ko pa rin. Pinagmasdan ko ang lockscreen wallpaper ko at mapait na napangiti. Masayang mukha ni Jarred ang nandoon. Makikita ko pa bang muli yun?
Agad na tumulo ang luha ko nung napadpad ako sa gallery. Punong puno yun ng mga masasaya naming larawan sa loob ng isang buong linggo ng pamamalagi namin dito.
Sa mga araw na nagdaan ay lalo ko siyang nakilala at lalo akong nahulog sa kanya.
Hindi ko masabi sabi sa kanya ang mga problema ko dahil hindi ko alam kung paano. Alam kong pipilitin nyang gumawa ng paraan at alam ko ring gulo lang ang dala nun.
"Babe? Bakit ang aga mong gumising?" Nag-angat ako ng tingin kay Jarred na mumukat mukat pa ang mata. Pasimpleng pinahid ko ang luha ko at matamis na ngumiti sa kanya. Kumunot naman ang noo nya at sinapo ang mukha ko.
"Umiiyak ka ba?" Takang tanong nya. Nginisihan ko siya kahit na pakiramdam ko'y may kung anong nakabara na sa lalamunan ko.
"Silly. Bakit ako iiyak?" Natatawang tanong ko.
"Wag mo nga akong pinaglololoko" naniningkit ang mga matang sabi nya.
"Napuwing lang ako" inirapan ko pa siya. Nagulat ako nung pinaharap nya ako sa kanya at dinilat mata ko. Maharang hinipan nya yun.
"Meron pa?" Nag-aalalang tanong nya. Hindi na ako nakapagpigil at ipinalibot ko na ang mga braso ko sa leeg nya. Hinalikan ko siya at lihim akong napangiti nung naramdaman kong tinugon nya iyon.
Hanga ako sa kontrol ng lalaking ito. Sa mga araw ng pananatili namin dito, ilang beses ko siyang inakit pero hindi man lang talaga siya bumigay.
Hindi ko na namalayang nakaupo na pala siya sa sofa at nakakandog na ako sa kanya.
Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko kaya napadaig ako. Nanlaki ang mga mata ko nung naramdaman kong pumisil ang isang kamay nya sa dibdib ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilang umungol dahil baka matauhan na naman siya at tumigil.
BINABASA MO ANG
Blurred Lines
General Fiction'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang kapalaran. Saksi sya sa kung paano naging sunod-sunuran ang ina sa ama at nangako sya sa sariling hi...