Chapter 29

94 6 0
                                    

Czarina Eunice's

"I'm gonna miss you" nakangusong sabi ni Jarred kaya natawa ako.

"I know. Pero kailangan ko nang bumalik bago pa magpasearch and rescue si Daddy"

"Magkikita pa rin tayo diba?" Bakas sa mga mata nya ang pangamba kaya sinapo ko ang mukha nya at hinaplos ang pisngi nya.

"Of course" nakangiting sabi ko.

Napag-usapan na namin ang set up. Sinabi kong hindi muna dapat malaman ni Daddy ang tungkol sa amin. Nag eexpect akong hihingi siya ng paliwanag kung bakit pero wala naman akong narinig mula sa kanya.

"I love you. Please, sagutin mo lagi ang tawag ko" bilin nya.

"I love you too" sagot ko.

Humalik muna kami sa isa't isa bago siya bumaba ng sasakyan. Narito kasi kami sa gate ng subdivision nila. Hinatid ko muna siya bago ako uuwi sa bahay.

Kumaway lang siya nung nakababa na. Bumusina muna ako ng isa bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

Napabuntong hininga ako habang nasa byahe. Tapos na ang isang linggo naming pagsosolo ni Jarred. Babalik na kami ngayon sa reyalidad.

"Where have you been, Czarina? Pinagsundo ka lang ng Tita mo sa Mommy nya, hindi ka na umuwi. Yung susunduin mo sana nakaalis na ulit" kunot noong tanong ni Daddy pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Ahm .. nagkayayaan lang po kami ng mga kaibigan kong mag bakasyon. Biglaan po yun kaya hindi na ako nakapagpaalam" palusot ko na lang habang nakacross fingers. Sana maniwala.

"Fine. Anyway, nanganak na ang Tita Frances mo noong isang araw" balita nya sakin. Kaya pala mukha siyang masaya.

"Nasaan na po? Kamusta ang baby?"

"Nasa ospital pa. The baby is fine. Her name is Sarina Franchescka" napangiti na rin ako.

"Congratulations, Dad"

"Thank you. Pahinga ka na, mamaya dadating sina Zach at ang family nila"

"Wow. Ang sweet naman nila. Dadayo pa talaga sila para personal na makita si baby" hindi na sumagot si Daddy at tumalikod na. Mukhang hinintay lang nya akong umuwi para ichika na lumabas na ang bunso nya.

Agad akong dumeretso sa kwarto at nagpahinga.

Kinagabihan, dumating nga ang pamilya nina Zach. Sabay-sabay kaming kumain sa hapag-kainan. Lahat ay masaya dahil sa pagdating ng cute na cute na baby. Miss ko na talaga si Kuya Amiel. Sure ako na magiging masaya rin siya pag nakita nya ang bago naming kapatid.

"Cza, bakit parang hindi mo kamukha yung baby?" Bulong sakin ni Zach kaya siniko ko siya.

"Malamang. Ako ba yung nanay?" Inis na sabi ko.

"Ang ganda kasi nung bata" natatawang sabi nya kaya sinamaan ko siya ng tingin at pasimpleng sinabunutan.

Hindi naman kami napapansin ng mga matatanda dahil busy sila sa pag-uusap usap ng kung ano-ano.

"Sinasabi mo bang pangit ako?!"

"Sayo galing yan ah" pang-aasar pa nya kaya tinapakan ko na siya. Napakawalang hiya talaga.

"Aray!" Nanlaki ang mga mata ko nung sumigaw siya kaya nabaling ang atensyon ng lahat sa amin.

"Are you okay, son?" Nagtatakang tanong ni Ninong Zandro. Sumimangot naman si Zach at tumango. Pikon!

"Since okay na naman ang lahat, bakit hindi na natin pag-usapan ang kasal ng mga bata?" Nagulat ako sa sinabi ni Tita Bea. Maging si Zach ay natigilan sa tabi ko at naibagsak ang kutsarang hawak.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon