Chapter 17

105 8 1
                                    

Czarina Eunice's

"Good morning, beautiful"

Pagkasagot na pagkasagot ko ng phone ay iyon agad ang bungad sakin ni Jarred. Napairap na lang ako na parang kaharap ko lang siya.

"Wag mo nga akong landiin!" Inis na asik ko sa kanya kahit na ang totoo ay namamaluktot na ang mga daliri ko sa paa sa kilig.

"Hindi kita nilalandi. Nagsasabi lang ako ng totoo" natatawang sabi nya.

"Tigilan mo nga ako! Sige na, aalis na ako. May practice kami para sa street dance"

"Kami rin e. Tinatamad ako. Gusto ko kasing makita at makasama ka buong maghapon" pakiramdam ko ay nakanguso pa sya habang sinasabi yun.

"Che! Dami mong arte. Sige na bye na!" Bago pa sya makahirit ay napatay ko na ang tawag.

Isang linggo na ang nakakalipas mula nung sabihin nyang liligawan daw nya ako ulit. At sa araw-araw na dumaan, lalo siyang palandi nang palandi. Ewan ko ba sa lalaking yun! Hindi ko tuloy alam kung anong label na ng relationship namin.

-

"Hi beshy! It's a beautiful day, isn't it?" Nakangising bati ko kay Cala pagkatapos kong bumeso sa kanya. Umingos lang sya at inirapan ako. Napataas naman ang kilay ko dahil parang matamlay sya.

"Anyare sayo?" Bumuntong hininga lang sya at hindi na nagsalita. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi na bago sa akin yun. Sa aming dalawa, ako talaga yung madaldal at maligalig. Madaldal lang naman tong babaeng to pag kaharap ang jowa nya.

Nagstart ang practice namin ng street dance. Pakiramdam ko'y nabanat ang lahat ng buto ko at nabuhay ang dugo ko sa katawan. Hindi naman talaga ako dancer pero para sa grades, go lang.

"Focus naman, guys!" Inis na sigaw nung choreographer namin kaya napaalisto kami. Pawis na pawis na ko at pakiramdam ko'y hihikain na ako. Jusmiyo!

Malapit na kasi ang foundation day ng school at ang mga freshies na kagaya namin ang napiling magparticipate sa competition. Tumutulong nalang yung mga seniors namin sa paggawa ng mga props at costumes at pati narin sa float.

Pressure kasi sa part namin dahil sabi ng mga seniors namin, three consecutive years na daw champion ang BSBA sa street dance competition na annually ginaganap.

"30 minutes break!" Sigaw ulit nung choreo pagkatapos ng ilang routines na naituro nya kaya napabuga ako ng hangin.

Pagod na pagod na ko!

"Bakit hindi na naman maipinta ang mukha mo?" Takang tanong ko kay Cala nung nakalapit ako sa kanya.

Well, sanay naman akong walang emosyon ang mukha nya lalo na pag hindi nya kasama ang jowa nya pero bihira ko lang syang makitang nakasimangot.

"Hindi kasi nagrereply si Nico. Sinabi kong gagabihin ulit tayo" inis pa rin nyang sabi na lalo kong ipinagtaka.

Nagkibit balikat na lang ako. May tiwala naman ako kay Nico. Bukod sa pinsan siya ni Jarred ay alam ko kung gaano nya kamahal ang best friend ko. Malabong magloko yun pero kung mangyayari man yun, kakalbuhin ko sya gamit ang tsane.

Matapos kong uminom ng tubig at magpunas pawis ay kinalkal ko ang phone sa bag para tingnan kung may text si Jarred.

Hindi ko na napigilan ang ngiti nung nakita kong ang dami nyang text. Puro kalandian lang yun at update ng mga pinaggagagawa nya.

Muntik ko pang mabitawan yung phone nung bigla iyong nagvibrate. Hindi na ako nag-isip at agad ko rin yung sinagot. Kainis tong lalaking to! Mayaman sa load!

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon