Chapter 46

179 9 1
                                    

Axel Jarred's

"Master, sigurado bang okay lang kayo dito ni Riri?" Kumibot ang labi ko nang narinig ko ang boses ni Hans. Maging si Sabrina ay nagsimulang umiyak kaya sinayaw sayaw ko siya para ihele.

"Tigil-tigilan mo nga ang kakatawag sa akin ng master, Hans. Masasapak na kita" inis na saway ko sa kanya pero nginisihan lang ako ng gago.

"Aba kundi dahil sa mga pagbibigay mo ng mga sagot sa amin nung high school hindi kami makakagraduate. Kaya master ka namin" singit naman ni Lynard. Napailing na lang ako sa kalokohan nila.

Hindi ko alam kung bakit narito ang mga kumag na ito sa samantalang kay Hans lang naman ako nagpahatid dito sa rest house ni Eunice.

"Magsilayas na nga kayo. Binubulahaw nyo ang Sabrina ko"

"Basta master tawag ka lang pag may problema ha" sabat ni Miguel habang busy sa phone niya. Siguradong binabalita niya kay Athena ang mga nangyari dito. Hindi ko na rin kasi nakakausap ang kababata ko. Masyadong busy sa career nya.

"Ako na lang muna ang magpapaiwan dito kay Master. Off ko naman hanggang sa isang araw" sabi ni Jerick sabay higa sa sofa.

"Hindi na. Kaya na namin dito" nakakahiya rin kasi. Abala pa sa kanila, may sari-sarili rin silang buhay.

"Hayaan mo na si Jerick dito. Mauutusan din yang taga bili ng gatas at taga laba ng lampin habang nag-aalaga ka sa pinakamaganda naming inaanak" sabi pa ni Hans kaya napipilitang tumango na lang ako.

Sa totoo lang, kailangan ko rin talaga ng tulong dahil marunong man akong mag-alaga ng bata pero hindi ng isang sanggol na babago pala naipapanganak.

"Salamat mga tol" nasabi ko na lang sa kanila. Nagkanya-kanya naman silang tanguan at tapik sa balikat ko bago umalis.

Pag-alis ng mga kaibigan ko ay bigla na namang umiyak si Sabrina kaya nataranta na naman ako. Halos maiyak ako habang sinasayaw sayaw ang anak ko dahil hindi ko alam kung anong dahilan ng pag-iyak niya.

"O' master. Baka gutom na yan kaya naiyak" napalingon ako kay Jerick nung nag-abot siya sa akin ng feeding bottle. May nakatimpla na rin doong gatas.

Buti na lang talaga nakapamili na kami ng gamit ng bata noon ni Eunice. Yung gatas naman ay binili namin kanina habang papunta kami rito.

"Shush now, love" pang-aalo ko sa anak ko habang dahan-dahan nilalagay sa bibig niya ang feeding bottle pero hindi pa rin talaga siya tumigil sa pag-iyak.

"Baka hindi masarap yung timpla mo kaya di pa tumatahan si Sabrina" inis na sabi ko kay Jerick. Napakamot naman siya sa ulo nya at tinawanan lang ako.

"Gago ka ba? Wala pang pakialam yan sa lasa ng gatas"

"Hey! Wag ka ngang magmumura sa harap ng anak ko!" Tatawa-tawang kinuha lang naman niya si Sabrina sa bisig ko at inilapag sa kuna.

"Basa na ang lampin. Kumuha ka ng pamalit" sabi niya sa akin. Kakamot kamot naman sa ulong kumuha ako ng lampin sa cabinet.

May tiwala ako kay Jerick pagdating sa bagay na ito dahil isa siyang batang ama. Bago kami grumaduate ng high school ay nakabuntis na ang gagong ito kaya may alam na siya tungkol sa pag-aalaga ng bata.

"Marunong ka bang magpalit ng lampin?" Kunot noong tanong niya sa akin.

Marahang tumango naman ako. Nanood naman kami ni Eunice dati sa  youtube ng mga tamang pamamaraan sa pagpapalit ng lampin. Hindi ko pa lang natatry ng actual.

Natatawang hinablot sa akin ni Jerick ang lampin na hawak ko at muling dinaluhan si Sabrina.

"Manood kang mabuti, master. Marunong kang gumawa ng bata pero hindi ka marunong magpalit ng lampin" pang-aasar pa niya kaya binatukan ko siya.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon