Chapter 20

113 9 4
                                    

Czarina Eunice's

"Babe? Bakit?" Nag-aalalang tanong sakin ni Jarred. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maapuhap ang gusto kong sabihin. Hinahaplos haplos lang nya ang likod ko para pakalmahin ako.

"It's okay. I'm here.  Hindi kita iiwan" paulit-ulit nyang bulong sakin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Namamanhid na rin ang buong katawan ko.

"Babe, calm down please" Bulong pa nya. Hindi lumalabas ang mga hagulhol ko. Ang bigat na rin ng paghinga ko. Naramdaman ko na lang na binuhat ako ni Jarred at iniupo sa isang bench na nasa malapit.

Hinawakan nya ang kamay ko at kinurot kurot ang mga daliri ko pero wala pa rin akong nararamdaman.

Ilang sandali pa ay may staff na dumating at inabutan ako ng isang basong tubig. Agad naman akong tinulungan ni Jarred na makainom. Noong nalasahan ko ang tubig ay saka pa lang pumapasok sakin ang lahat. Doon lang ako napahagulhol. Agad rin naman akong niyakap ni Jarred kaya napasubsob ako sa dibdib nya.

"Jarred, si mommy" Bulong ko. Hindi ko alam kung narinig nya.

"Halika na. Ihahatid kita sa inyo" malambing na sabi nya. Hindi na nya ako pinaglakad. Binuhat nya ako hanggang makarating kami sa kotse nya. Inalalayan nya akong sumakay at sinuotan na rin ng seatbelt. Pakiramdam ko ay nanlalanta ako.

"Everything is going to be fine, babe" narinig kong sabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa may hita nya. Tahimik lang siyang nagmamaneho. Panaka-naka rin nyang hinawakan at pinipisil ang kamay ko.

Nakapikit lang ako buong byahe. Inaalala ang mga pagkakataong magkasama kami ni Mommy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala dahil kausap ko pa siya kagabi.

Kinapa ko ang kwintas na binigay nya. Lalo lang akong napahagulhol nung nahawakan ko yun. Bakit ako iiwan ni Mommy?

Naramdaman kong itinigil ni Jarred ang sasakyan. Niyakap nya akong muli at hinalik halikan ang tuktok ng ulo ko.

"Jarred, wala na si Mommy" Bulong ko sa kanya sa pagitan ng pagtangis ko. Natigilan siya pero hindi na nagkumento pa. Nanatili lang siyang nakayakap sakin.

Nung medyo kalmado na ako ay saka lang nya ako binitawan at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Hindi ko tuloy maappreciate ang regalong kotse sa kanya ng parents nya dahil sa nararamdaman ko. First time ko pa namang makasakay dito dahil kakuha lang naman nya ng lisensya nya.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Tahimik ang paligid. Ramdam ang mabigat na tensyon doon. Marami ring pulis na lumalabas mula sa bahay namin na ikinakunot ng noo ko. Pakiramdam ko'y nanlalambot ang tuhod ko at ayaw ko nang humakbang pa. Pasalamat ko na lang na nakaagapay sakin si Jarred para magpatuloy.

Pagpasok namin ay agad akong sinalubong ng yakap ni Yaya Gina. Maging siya ay iyak rin nang iyak. Mahal na mahal ng mga kasama namin sa bahay si Mommy dahil sadyang napakabait nya.

"Yaya, ano pong nangyari? Nasaan po si Mommy?"

"Nadala na sa morgue ang l-labi ng mommy mo" umiiyak nya pa rin sabi habang sapo-sapo ang mukha ko.

"Ano po bang nangyari?"

"She hung herself up" ang mga salitang yun ay nagmula kay Zach.

Gulat na lumingon ako sa kanya dahil hindi ako naniniwalang magagawa ni Mommy yun. Hindi nya ako iiwan nang ganun lang. Okay na naman siya nung mga nagdaang araw at buwan. Masayang-masaya siya habang pinaplano ang debut ko.

"T-that's not true" lumuluhang sabi ko. Mapait na ngumiti lang sakin si Zach at pagkuwa'y nag-iwas ng tingin.

"Pagdating namin dito kagabi, dumeretso agad sya sa kwarto nila ng Daddy mo. Naiwan dito sa sala sina Tito Walter, Daddy at Mommy dahil nagkwentuhan pa sila. Kami naman ni Vrielle ay tumuloy na sa guest room para matulog at magpahinga. Naalimpungatan lang ako nung nakarinig ako ng sigaw kaya dali-daling lumabas ako ng kwarto. Madaling araw na noon. Nagkakagulo na ang buong kabahayan at lahat sila ay papunta sa master's bedroom. Nung nasiguro kong mahimbing naman ang tulog ng kapatid ko, naisipan kong sumilip na din kung ano ang pinagkakaguluhan nila. P-pag dating ko dun, nakita ko si Tito Walter na pilit tinatanggal ang tali sa leeg ni Tita Eula pero huli na ang lahat. I'm sorry Eunice" mahabang paliwanag ni Zach. Naramdaman kong niyakap ako ni Jarred dahil wala nang lakas ang katawan ko.

Blurred LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon