CHAPTER 10:

12.8K 438 11
                                    

Happy Chinese New Year Dear Readers! New Year na pero wala pa rin akong maisip na itawag sa mga readers ko. Suggest naman kayo nang pwede kong itawag sainyo. :)

¬jeanny

* & * & * & * & * & * & *

[SHANE]




"Bessy, saan ka pupunta?"




Sinusuot ko ang sapatos ko habang nakaupo sa kama ni bessy, nang maayos ko na ang sintas nito tsaka ko lang siya tiningnan at sinagot.





"Coffee shop bessy." direktang sagot ko sa tanong niya.





"HUWAT?! Bessy! Ano namang gagawin mo dun?! Don't tell me, a-abangan mo na naman dun si Chase o what so over? Diba nga sabi niya sayo nung isang araw, ayaw ka na niyang makita?! Bakit ba gusto mo pa ring pumunta sa shop na yan ha? Wag ka na ngang umasa na makikita mo pa siya dun." bulyaw ni bessy sakin habang nakapamewang at nakataas ang kilay.




Naikwento ko na kasi sakanya ang nangyari nung isang araw, kaya nga ako nandito sa bahay nila para lang ikwento yun.




"Bessy, masarap kasi ang kape nila kaya gusto kong pumupunta na dun, hindi naman siya ang rason." sagot ko sa sinabi niya pero may halong pagsisinungaling dahil nagbabakasakali pa rin talaga akong makita si Chase sa shop, ok lang kahit hindi siya magpakita, maiintindihan ko naman, kasi sinabi niyang ayaw niya na akong makita pa.




"Hay naku! Mga palusot mong walang kwenta bessy!" inismiran niya lang ako tsaka naglakad papunta sa banyo ng kwarto niya at padabog na isinara ang pinto. Tumayo na ako sa kama niya at kinuha ang bag ko sa mesa tapos ay kumatok sa pinto ng banyo at sinabing, "aalis na ako bessy ha."




Sumakay ako ng taxi papunta ulit sa shop na pinagkitaan ko kay Chase noon. Ewan ko ba kung bakit pero mas nangingibabaw pa rin kasi sakin yung tuwa kapag nakikita siya. Kaya kahit galit siya sakin o iritado ok lang sakin, di ako nagagalit o nagtatampo o kahit man lang yung word na sumuko parang wala na ata sa dictionary ko.




"Hi Ma'am, dating order po ba?" tanong ng isang waiter sakin ng makapasok na ako sa loob ng shop. Parang kilala na ata ako ng mga waiters at waitresses dito sa shop, alam na rin nila ang palagi kong ino-order, ang espresso.





"Opo kuya, salamat." nakangiting sagot ko sakanya tsaka na dumiretso sa bakanteng upuan malapit sa glass window.




Tulad lang ng dati, kaliwa't-kanan ang tingin ko, hinahanap ang pamilyar namukha na 1% chance lang ang possibilty na magpakita pero kahit ganon pa man, di pa rin ako nawawalan ng pag-asang makita siya ulit.





"Ito na po ang coffee niyo ma'am, enjoy."





"Thank you po." sagot ko sakanya tsaka siya ngumiti sakin at umalis na para asikasuhin ang iba pang mga customers. Mabenta kasi ang shop nila, masasarap kasi ang kape nila tsaka syempre yung iba pa nilang desserts at pastries.




I sip a little on my cup tsaka tumingin ulit sa labas, bigla namang may nagsalita sa tabi ko kaya napatingin ako agad sakanya.




"Hi. Ahm, I'm Dale, palagi kasi kitang nakikita dito sa shop. Palagi rin kasi ako dito, doon ako palaging nakaupo kung mapapansin mo." tiningnan ko naman ang direksyon kung saan nakaturo ang daliri niya tsaka ibinalik ang tingin sakanya. Ayoko naman maging rude sakanya kaya ngumiti na lang ako.




"Ganon ba? Sorry, di kasi kita napapansin eh." sagot ko sakanya. Napansin ko naman ang librong hawak-hawak niya, sinubukan kong basahin ang title nito pero nakabaliktad kasi kaya di ko mabasa ng mabuti.




"Ahh. Ito ang librong binabasa ko ngayon." Napa-ayos ako ng upo ng mapansin niyang tinitingnan ko ang librong hawak niya, inilahad niya ito sa harap ko at doon ko lang nabasa ang title.




100 ways to move on. The book was so gay, para kasi sakin, mga babae lang ang mahilig magbasa ng mga librong ganito. Heartbroken kaya itong lalaking ito kaya niya ito binabasa?




"I know you'd think it's so gay pero I love the book, marami akong natututunan sa librong ito, tulad na lang ng ginagawa ko ngayon." hindi ko naintindihan yung sinabi niya kaya napataas ang kaliwang kilay ko.





Tumawa siya ng bahagya tsaka inurong ang upuan sa harapan ko at naupo dito.




"Sabi kasi dito sa libro, Start a conversation with a stranger and be friends with him/her." nakangiting pagpapaliwanag nito sakin sabay pakita nung passage sa libro.




Tsaka ko lang naitindihan ang sinabi niya, mukhang interesting nga ang binabasa niya pero kelangan ko pa ba ng ganyan?




"By the way, may inaantay ka ba?" bumalik ako sa diwa ko ng magsalita siya ulit, umiling-iling lang ako saglit tsaka sumagot sa tanong niya, "wa-wala naman."




"Ganon ba? Palagi ka kasing nakatingin sa labas at parang may hinahanap sa tuwing nakikita kita, kaya akala ko may inaantay ka."





Ang totoo niyan meron naman talaga akong inaantay pero kelangan ko pa ba yung sabihin sakanya? Hindi naman kami close at isa pa, nagkakilala pa lang kami, nakakahiya namang magshare sakanya agad, diba?




"Wa-wala no." sagot ko tsaka binuhat ang tasa sa platito at uminom ng kaunti, naibuga ko naman ito bigla ng makita ko si Chase sa labas ng bintana sa tabi ko.





"A-aray!" nabaling ang tingin ko kay Dale na nasa harapan ko at nabugahan ko pala ng mainit na espresso, agad-agad akong tumayo at kinuha ang table napkin sa mesa at tinulungan siya sa pagpupunas ng kanyang mukha at damit, habang ginagawa ko naman ito ay pabalik-balik ang tingin ko kay Chase at kay Dale.




Para akong natataranta na ewan, ang sama kasi ng tingin ni Chase samin eh, tapos idagdag mo pang bigla na lang siyang sumulpot sa may gilid kaya nagulat ako.





"So-sorry Dale! Sorry talaga!!" hingi ko ng tawad habang pinupunasan ang mukha niya.





"Ok lang, magpapalit na lang ako ng damit." sagot nito habang pinupunasan naman ang librong hawak niya.





"Sorry! Nabasa yung libro mo!"




"Ok lang miss, now if you'll excuse me." tsaka siya tumayo at umalis sa table. Galit kaya siya?? Naku naman, di ko naman sinasadya eh. Ayos lang kaya yun??




Di tuloy ako mapakali habang sinusundan ito ng tingin papunta sa restroom ng mga lalaki.




"Sana di siya galit." bulong ko sa sarili tsaka na sana uupo ulit ng magulat na naman ako dahil nasa tabi ko na pala si Chase, napatalon tuloy ako bigla at tumama ang paa ko sa upuan kaya napahawak ako dito sa sakit.




"A-ouch!" paulit-ulit na sabi ko habang tumatalong-talon sa sakit.




Ano ba naman tong nangyayari sakin, nate-tense kasi ako, kanina gustong-gusto ko siyang makita pero ngayon na nasa harap ko na, parang gusto ko namang umalis siya, lumakas na naman kasi ang tibok ng puso ko at parang gustong tumalon sa loob ng katawan ko.




"Let's talk, outside." cold na pagkakasabi niya tsaka na umalis sa harap ko at pumunta sa counter. Tumigil na ako sa pagtatatalon at pinagmasdan lang siya habang nasa counter.




Ano kayang pag-uusapan namin?



PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon