Chapter 44: Regained Memories

13.8K 387 100
                                    




Hi sweetie Mitch. ^__^ As promised sayo ko idedicate ang chapter na ito. Thank you so much for reading and for keeping in touch palagi. I love you sweetie. Take care and Godbless. <3



Sa mga may nais din pong magpadedicate, just message me here sa wattpad kung anong chapter ang gusto niyo. :) Yun lang maraming salamat sa lohot! Hohoho... <3



NOTE: YUNG MGA NAKAITALICIZE NA WORDS SA IBABA, LALO NA YUNG MARAMI, FLASHBACK PO IYON. BAKA KASI MALITO KAYO. HAHAHA <3



#PMSCHASE



Chapter 44: Regained Memories



[CHASE]



Isang buwan.



Isang buwan na ang lumipas simula ng simulan ni mom ang chemotherapy niya. Her body is responding from the medicines na araw-araw binibigay sakanya. Nakikita ko namang lumalakas na si mom dahil sa therapy kaya kahit napapamahal sa bayarin sa hospital ay isinasawalang bahala lang namin.



Dad is been working for 24/7 sa kompanyang tinayo niya. Sometimes I would help him in the company pero madalas siya ang gumagawa ng lahat doon. Ayaw niya kasing iwan ko si mom dito sa hospital mag-isa. Cris is not here anymore so me and dad do all the work.



Bumalik na siya ng Pilipinas mga dalawang linggo na ang nakararaan. Napabayaan niya na kasi ang trabaho niya doon at nagagalit na ang kanyang tito. He said he also misses his girlfriend kaya pinauwi na rin namin. He said he'll be back again pero hindi pa sigurado kung kailan.



Hindi naman niya nakakalimutang tumawag o magvideo call sa amin kapag free time niya. Minsan kapag kasama niya si Eric at Ken ay sabay-sabay din silang nangangamusta sa amin. Si mom ang madalas nilang kausapin at kulitin, nakikinig lang ako sa isang tabi habang pinag-aaralan ang ilang dokumento mula sa kompanya.



May mga araw na ako ang kinukulit ng tatlo at tinatanong kong kumusta na ako. Eric and Ken already knew about Shane at mas madalas pa namin pag-usapan ang tungkol sa pag-alis niya. Minsan nakakatulong sila sa pagpapagaan ng loob ko pero kapag inabot ng topak ay inaasar ako.



I still don't remember being close to them before pero magaan ang pakiramdam ko sa dalawa. Katulad na lang kay Cris na agad ko din namang nakapalagayan ng loob.



May pagkakataon ding tumatawag sa akin si Blood pero hindi ko ito sinasagot. I don't want to talk to him for now. Sigurado naman kasi akong magtatanong lang siya ng magtatanong sa akin. I don't need interrogations for now, ang kailangan ko ay taong mapagkukunan ko ng lakas sa ngayon.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon