CHAPTER 1: Chase

25.5K 648 97
                                    



CHAPTER 1: Chase

CHAPTER 1: Chase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[TARA]


"Ito tingnan niyo 'to, pwede na 'tong design para sa website natin diba? Siguro naman maraming mae-engganyong bumili ng mga paintings at sculpture na gawa natin dito diba?"


"Oo nga Jenny, I think maganda na nga 'to, satingin mo Tara, okay na ba?" Nang marinig ko ang aking pangalan ay tsaka lang ako bumalik sa ulirat ko. Paano ba naman, kung saan-saan na naman lumilipad itong isip ko. Ang dami ko pa kasing problema, kay bessy , kay John tapos sa school.


Fourth year college na kami ni bessy ngayon, taking up Fine Arts sa isang Unibersidad dito sa Manila and yes, malapit na ang aming pagtatapos. 


Taon na nga ang lumipas matapos pumanaw ni Chase, it was really unexpected na minsan napapa-isip pa rin ako at natutulala sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari noon. Mahirap para sa aming mga naiwan niya na mag-move on lalo na kay bessy na hanggang ngayon ay nangungulila pa rin sakanya.


I looked at bessy na ngayon ay nakatulala na naman sa labas ng bintana, she was once a very happy person pero ngayon it seems na hindi na siya ang bessy na kilala ko noon. Ang laki ng pinagbago niya, halos hindi ko na siya makilala.



"Sige pwede na yan. Excuse lang ha." Inilagay ko muna ang mga papel na hawak-hawak ko sa mesa tsaka tumayo sa upuan ko't pinuntahan si bessy malapit sa may bintana.



Wala nang bago, ganito na siya parati, malungkot, tulala, di masyadong kumakain, di na nag-aayos ng sarili, madalang magsalita at higit sa lahat, palaging umiiyak.



She totally hated the world, para sakanya walang Panginoon. Hindi niyo naman siya masisisi, nawala ang unang taong nagpatibok nang puso niya, ang pinaka-unang lalaking minahal niya. Mahirap mag-move on at sa tingin ko, alam na man yun nang lahat lalo na kung biglaan ang paglisan ng mahal mo. Yung wala man lang ni 'ho ni hi' . Mahirap ba magsabi ng goodbye in advance para aware man lang tayo diba? Pero syempre iba naman kasi ang kaso nitong kay bessy.



"Bessy." tawag atensyon ko sakanya ngunit hindi man lang ako nito nilingon, halatang lumilipad na naman ang isip niya't wala siyang pakialam sa paligid.



"Bessy."  tawag ko ulit and this time hinawakan ko na siya sa kanyang balikat, sa pagkakataong ito'y tiningnan niya na ako at tama na naman ang hula ko, umiiyak na naman siya.



PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon