Chapter 71

3.8K 141 9
                                    


"Panatang maka-PMS, iniibig ko ang Psyche, aking lupang tinirikan, tahanan ng aking mga kapatid,kinukupkop ko sila't tinutulungan,upang maging MAPAGMAHAL, MAGING LOYAL,HINDI TIMER dahil mahal ko ang PMS diringgin ko ang payo ng aking ADMIN susundin ko ang tuntunin ng isang mamamayang maka-WATTPAD magbabasa, mag-aaral at aalagaan ito ng buong katapatan iaalay ko ang aking EYEBAGS sa PERVERT Meets Sadist Kay Psyche Spellcaster at sa aking mga ka-Sweeties" . . .


Special Mention sa creator ng poem, Eden Mae Tumaque . . . Thank you sweetie! Ang galing mo. hihi. <3 Godbless..


CHAPTER 71:


[STELLA]


Naghihinagpis ang lahat. . . Kahit saan ako tumingin mga nagpapatakangluha sa mga mata ang aking nakikita... Kahit pilitin kong pumikit at magbingi-bingihan nakatatak sa buong isipan ko ang mga nangyari. Gustuhin ko mang pagpahingahin ang buong sistema ko pero hindi ko magawa. Nanatili na lamang akong pipe at tulala sa isang tabi, paisa-isang tumutulo ang luha sa aking mga mata at walang ibang pwedeng magpunas nito para sa akin dahil nag-iisa ako...


Sugatan ang aking mga kaibigan... Nag-aagaw buhay ang ilan sakanila. . . Bakit kailangan pang umabot ang lahat sa ganito? Bakit tila kami pa ang pinaparusan imbes na sila? Tahimik naman ang buhay namin... Akala ko ng makaligtas kami sa tauhan noon ni Patricia magiging maayos na ang lahat, akala ko ng makabalik kami dito sa Pilipinas matatahimik na kami...


Pero bakit?


Tila panaginip lamang ang lahat. Isang napakasamang panaginip na gusto ko ng matapos...


Muling pumatak ang luha sa aking mga mata. Nakatulala lamang ako at di ko na alam ang nangyayari sa paligid dito sa hospital... Puro duguang katawan ng aking mga kaibigan ang aking nasilayan, halos hindi ko na kayanin nang si Hellard na ang aking makita at wala itong malay... Agad na dinala ang kanyang katawan sa ER para operahan, sumunod ang katawan ni Ava na may tama ng baril sa likuran.


Nagkakagulo silang lahat sa aking unahan... Hindi magkanda-ugaga kung sino ang pupuntahan. Nadako ang tingin ko sa kararating pa lamang na si Chase, Ken, Eric at... Shane...


Sandali akong natigilan ng makita siya. It's been awhile na rin ng huli ko siyang makita... Mugtong-mugto ang kanyang mga mata marahil ay labis na hinagpis ang kanyang pinagdaanan sa pagkamatay ni Arkin.


"Panginoon ko... Please save my son Hellard..." rinig kong sabi ni tito mula sa aking tabi. Sandali ko siyang pinakatitigan at kita ko ang panginginig sakanyang katawan. Muli akong napayuko at piping nanalangin.


Iligtas niyo po silang lahat Panginoon... Pakiusap. . .


Doon na ako napahagulhol sa pag-iyak... Hindi ko na nagawa pang pigilan ang mga luha dahil labis na akong nasasaktan. Sobrang bigat na ng aking dibdib para na itong puputok.


"They will make it Stella... Magiging maayos lang sila." Mula sa pagkakayuko ay inangat ko ang aking ulo at tinitigan si Chase na nasa aking harapan. Katulad ko'y kakagaling lang nito sa pag-iyak pero mula sakanyang mga mata ay nakita ko ang pag-asa, ang paniniwalang magiging maayos din ang lahat...

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon