CHAPTER 33: Stella

13.6K 414 62
                                    




OLAAAA!!! HAHAHA. Kamusta kayo mga sweeties? :) Ayan! Ito na ang update ko para sa linggong ito. Pasensya na kung balik ulit sa friday ang updates ko. Medyo busy na naman kasi ulit sa trabaho eh. Thank you sa mga nagco-comment sa ibaba ng mga chapters! Alam niyo na kung sino kayo! :D Nadadagdagan na kayo mga sweetie! Yung mga silent readers nagco-comment na din! Nakakatuwa sobra! Sana dumami pa kayo! Keep reading, voting and commenting. LOL 



Angeyaaaaah!!! I dedicate this chapter to you! :D Thank you so much sa pagbabasa sweetie. <3



I love you all. <3 Goodnight. 



#PMS



~jeanny



Chapter 33: Stella



That girl is insane. They may never tell me pero ngayon ay sigurado na akong yun na nga ang sakit niya. I have witnessed her gone wild sa tuwing hindi nasusunod ang gusto niya, she's a real monster dahil mapanakit siya, wala siyang sinasanto kahit mga lalaki ay kinakalaban. She even pointed a gun on one of his bodyguards before, kahit ano mang oras ay pwede niyang kalabitin ang trigger nito pero nagawa pa rin siyang pigilan ng iilan sa mga tauhan niya.



"I'll take her to her room." I volunteered ng makababa muli sa garden. Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya at inihiga sa kama. Nakasunod lahat ng tauhan samin maging si Stella na naupo na sa tabi ni Patricia at hinahawi ang ilang buhok sa pisngi. I remained silent at pinanood na lang kung gaano mag malasakit si Stella sa kaibigan.



Bakit niya kaya ito ginagawa despite the fact na pinagmamalupitan siya ng babaeng yan? Is she that martyr not to see kung gano kahalang ang kaluluwa ng babaeng yan? She can even kill someone kung gugustuhin niya. Maging sino ka pa, di ka niya uurungan. Well, I've seen her like that sa harap ng mga business partners niya noon ng isama niya ako sa business meeting niya sa labas ng isla. They all looked strong and powerful men pero taob silang lahat kay Patricia. Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ito at ganoon na lamang siya kalakas.



"Bantayan mo muna siya Chase please..." pagsusumamo ni Stella sakin. Tsaka ko lang din napansin ang sugat sa palad nito, nakuha niya siguro ng sumubsob ang katawan niya sa damuhan kanina, marahil ay tumama ang palad niya sa isang bato.



"Okay. At ikaw, gamutin mo na yang sugat mo." I didn't bother looking at her at naupo na lang sa gilid ng kama tsaka pinagmasdan ang natutulog na si Patricia. She look so peaceful, yung tipo ng babaeng hindi makabasag pinggan pero kapag gising ay kasing itim ng budhi ng uling ang pagkatao niya. Why did she became like this anyway? Sasabihin kaya ni Stella sakin ang rason kapag nagtanong ako?



Nahihiwagaan kasi talaga ako sa pagkatao ng babaeng ito, may mali sakanya, may mali sa pagkatao niya...

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon