Chapter 31: Four Men in One.
Sorry sa mga typos, wrong grammars at kung ano pa, bare with it, mage-edit naman ako kapag natapos ko na itong storu. :) Enjoy reading sa maagang update. :)
~jeanny
* * * * * *
"But one thing is for sure, I loved her. . ." seryoso ang mukha ni Hellard at nakikinita ko sa mga mata nito kung gano katotoo ang kanyang sinabi. Napaawang ang aking bibig at hindi nagawang makapag-react sa sinabi nito. Yun na ang huling sinabi niya tsaka tumakbo paalis.
Masyado na ba talaga akong nahuli? Hindi ko na ba kayang isalba pa kung ano ang meron sila ni Ava? Ang mga alaala ng aking kaibigan na kinalimutan niya, ang pagmamahalan nila na kasing tibay ng isang matayog na gusali, ang mga pinagdaanan at pangako nila sa isa't-isa, lahat ba yun mawawala na lang sa isang iglap?!
Natigil ang aking pag-iisip ng madaanan ng aking mga mata ang isang itim na notebook sa kalsada. Pinulot ko ito at pinasadahan ng tingin ang cover. Kay Hell kaya ito? Nakita ko kasi siyang may hawak na notebook kanina tapos paglalapit na ako tsaka niya lang tinatago sa dala-dala niyang bag.
Nasagot lang ang mga katanungan ko ng buklatin ko ang unang pahina at basahin ang mga nakasulat dito.
'I was on a beach with someone, I held her hand tight as we watched the sunset by the sea. I was certain she is someone that I love the most, the feeling of spending time with her is the best. But I don't know who she is, her face is blur, I can't see her clearly.'
'She sung a sweet song for me and I can't help but feel the erotic beating deep within my chest. I was staring at her on stage though her face was blur again. I remembered someone from her voice and it was. . . I don't know, maybe it's just a mere coincidence. She sung that song to thank me as what she said on my dream.'
'I need to go to college, far from where we were studying in highschool, I can't imagine leaving her but I have no choice. It's for our future as well. I was saying my goodbyes to her but it seems that I don't want to go. I'll miss her and so she is, that's what I'm seeing.'
Nangunot ang noo ko. Ano kaya ito? Ano itong mga nakasulat sa notebook niya? Panaginip niya ito? Hindi ko matandaan na pumunta sila ng beach ni Ava or maybe nakaligtaan lang ikwento ni Ava sakin, pati yung pagkanta niya para kay Hellard. Hindi naman marunong kumanta si Ava eh and about the college thing? Nah...Uhh!
I planned of reading it further kaso sa bahay na lang siguro kasi madilim na. Kailangan ko nang umuwi at baka hinahanap na ako ng inay ko, lagot na naman ako dun kapag lumagpas ako sa curfew.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?