CHAPTER 22: A True Gentleman

15.5K 413 16
                                    









[UNITED STATES OF AMERICA]

[10:00 PM]









Walang tigil sa pag-ubo ang nanghihinang ina ni Chase na si Krista habang nakahiga sa kama, halos mamaluktot na ito sa sakit na nararamdaman at ang kanyang asawa naman ay halos mahimatay na sa awa sa nakikita.









Nitong taon lang nila nalaman ang malubhang sakit ng asawa, hindi sila makapaniwala sa findings ng mga doktor na siya ay mayroong lung cancer stage 3. 









Nakadagdag pa daw sa lugmok na kalagayan ng asawa ang pagkamatay ng anak na siya namang naka-apekto ng malaki sakanyang kalusugan. Halos pabayaan na kasi nito ang sarili at madalas tulala na lang. Ito ang dahilan kung bakit naisipan nilang umalis ng Pilipinas at dito manirahan sa States para kahit papano ay mabawasan ang sakit sa pagkawala ng anak. 











*ubo* *ubo* *ubo* 









Walang ibang magawa ang kanyang asawa kundi ang himasin ang kanyang likod at paulit-ulit na sabihing maging matatag. Maging siya man ay hindi na nakakayanan ang nakikita pero hindi niya pinapahalata sa asawa na nasasaktan na siya. 









"Sabi ko naman kasi sayo, magpa-confine ka na lang sa hospital para mas mabantayan ka nila doon." tagak ang luhang sabi ng asawa kay Krista. 









"Nico, ayoko sa hospital, isa pa, uubusin lang natin ang pera natin dun. Dito na lang ako sa bahay, kasama mo. . . mas malulungkot ako pag nandun ako, maaalala ko lang ang anak natin." hinang-hina na usal ni Krista tsaka ulit namaluktot at umubo. 









"Pero hindi ko kayang nakikita kang ganito! Wala akong magawa para paga-anin ang nararamdaman mo! Nasasaktan akong nakikitang ganito ka Krista!! Nasasaktan ako!" halos mapaos at piyok na si Nico habang nagsasalita, tigmak sa kanyang mukha ang sakit na nararamdaman at kahit gustuhin man nitong magpakatatag sa harap ng asawa ay nangingibabaw pa din ang kahinaan nito. 









"Makita ko lang na nandito ka sa tabi ko ay sapat na para paga-anin ang nararamdaman ko Nico. . ." tsaka ito ngumiti ng mapait sa asawa. 









"Ibebenta ko ang bahay natin sa Pilipinas honey, pandagdag na rin sa pagpapagamot sayo." desisyunadong usal ng asawa na hindi naman sinang-ayunan ni Krista.











"Pakiusap Nico! Wag. . . . . . .Yun na lang ang tanging alaala na meron tayo kay Chase, lahat ng masasayang araw natin kasama siya nandun, please wag. . . . . ." nagmamakaawang sabi ni Krista habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ng asawa. 









Napatungo naman si Aki at naguguluhan, ayaw niyang mawala ang asawa pero ayaw din naman niyang biguin ang kahilingan nito. 









"Si-sige na honey, magpahinga ka na, dito lang ako sa tabi mo." pag-iiba na lang nito sa usapan tsaka hinaplos ang buhok ng asawa para makatulog na ito. 











[CJ] 









Nakatayo ako sa gilid ng kalsada, tulala at wala sa sarili. Ang daming bumabagabag sa akin ngayon at kahapon pa maging sa panaginip ko hindi ako tinantanan. 









Muling nagflashback sakin ang nangyari kahapon sa shop, tigmak akong nakatulala habang nakikita ang kakaibang ekspresyon sa mukha ni Hell habang nakatingin kay Shane. Minsan na rin naikwento sakin ni Ava ang ganoong pag-uugali ni Hell na nakakapagpakilig daw sakanya kahit na nakakatakot siya. 









PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon