[CHASE]
Tuliro.
I have been like that ever since Hellard showed me that piece of paper. Walang oras na napipirmi ako sa isang lugar, palakad-lakad ako sa loob ng kwarto at halos minu-minuto kung i-check ang balita sa social media tungkol sa pagdating niya.
Yes. Bukas na ang dating niya galing New York at balita ko sa Shangri-la hotel siya tutuloy. Pinaplano kong pumunta ng airport bukas para salubungin ang pagdating niya pero kinakabahan ako. Hindi na bumagal pa ang tibok ng puso ko simula pa kahapon. Hindi na rin ako nakatulog at magdamag na gising.
Here I am sa puntod ni mom at kinakausap na naman siya. Dito ako madalas tumambay pagkatapos ng klase para dalhan siya ng fresh flowers at syempre kausapin siya.
"Mom. Ito ba yung wish na sinabi mo sa akin? Ito na ba yun? Is this the start? What will I do next? Shall I make the first move and show myself to her? Mom, I'm scared...W-What if...What if bumalik yung trauma niya kapag nakita niya ako ulit? What if she doesn't want to see me? Its written on her letter... she doesn't want to cross path with me again." nalaglag ang balikat ko't napayuko ako sa sariling naisip.
Honestly, walang mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Knowing that she's coming back at makikita ko na ulit siya, parang gustong lumundag ng puso ko sa tuwa. I have not yet recovered sa pagkawala ni mom syempre pero ang pagdalaw at pakikipag-usap ko sakanya ng madalas ay nakakapawi sa lungkot na aking nararamdaman.
"Mom thank you...Thank you for everything..." habang sinasabi ko iyon sakanya ay hinahaplos ko ang nakaukit niyang pangalan sakanyang puntod. I smiled at it na para bang siya ang nakikita ko ngayon.
Maya-maya lang ay biglang tumunog ang phone ko, kinuha ko ito mula sa bag at sinagot ang tawag.
"Where are you pare?" it was Cris.
"Nasa puntod ni mom. Why?"
"Ano ba! Nakalimutan mo na ba? Get together party natin ngayon diba? Ano na?! Ikaw na lang ang kulang! Pumunta ka na dito!" sumisigaw sa kabilang linya na sabi nito sa akin. Rinig na rinig ko naman ang ingay ng mga naghihiyawang tao maging ng malakas na music sa lugar na kinaroroonan niya ngayon.
"Cris. I told you, hindi ako makakapunta. Sinabi ko na yan sayo di'ba? I need to go home early dahil walang mag-aalaga kay Casmere."
Narinig ko siyang bumuntong-hininga at walang choice na sumang-ayon na lamang sa akin tsaka na binaba ang tawag. Malapit na ding dumilim kaya naman tumayo na ako sa pagkakaupo at pinagpag ang slacks na aking uniporme.
"Mom, babalik na lang po ako some other time. Hayaan niyo, isasama ko si Casmere dito minsan. Bye mommy. I love you." tsaka ako umalis at dumiretso sa pinagparkingan ko ng aking sasakyan.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?