Chapter 56: White Christmas

16.7K 355 87
                                    



Dedications is not available for the moment sweeties. Nawala ko yung list. T^T Hanapin ko muna ha. Anyway. Belated Merry Christmas and Advance Happy New Year sainyo. <3 Hope naging masaya ang pasko niyo sweeties! ^__^



Yung teacup pomeranian na binili ni Chase ay kamukha po ng nasa multimedia section. Yun lang. Maraming salamat. <3



Chapter 56: White Christmas



[HELLARD]



Dilat na dilat pa rin ang aking mata hanggang sa inilayo niya ang kanyang labi sa akin. Hindi ko magawang makapagsalita dahil parang biglang naging blangko ang utak ko. Pinakatitigan ko siya ng may pagtatanong at pagtataka sa aking mukha ngunit hindi siya natinag at nakipagtitigan din sa akin.



"H-Hell...S-Satingin ko kasi...Satingin ko kasi may gus~..."



"Stop!" sa wakas ay may salita ding lumabas sa aking bibig. Napasinghap pa siya sa gulat ng sumigaw ako sa mismong mukha niya.



Pinakalma ko muna ang aking sarili at sinubukang ayusin ang aking pag-iisip. Ang ginawa niya ay hindi tama, hindi ko akalaing bibigyan niya ng ibang depinsyon ang kabutihang ginagawa ko sakanya.



"You can't feel that way Stella. Nalilito ka lang. Ayusin mo ang sarili mo."



Dumaan ang sakit sakanyang mga mata tsaka siya napatungo. Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil nasigawan ko siya kanina. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o hindi. Gusto ko munang maayos ito at maging malinaw para sa aming dalawa kung ano ang estado namin sa isa't-isa.



"Stella. Ang ginagawa kong ito ay pawang pangkaibigan lamang. I mean, importante ka sa akin kaya lahat ng pangangailangan mo handa kong ibigay pero hanggang doon lang yun at walang kahit na anong espesyal dito. Wag ka sanang malito sa ginagawa ko."



Tumingala siyang muli para tingnan ako at nangingilid na ang luha sakanyang mga mata. "H-Hindi ko na kasi napigilan Hell. S-Sinubukan ko naman. K-Kaya nga pinili kong magbakasyon muna at magpakalayo-layo sayo dahil t-tumitindi na itong nararamdaman ko baka kako mabago ko pa kapag di kita nakita ng ilang araw pero mukhang malabo."



Napabuga ako ng hangin at namamanghang nakatingin sakanya. I don't believe this. Hindi ko alam na pwede niya iyang maramdaman patungkol sa akin. Naging pabaya ata ako at naging kumportableng hindi siya magkakagusto sa akin.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon