Chapter 53: Vacation Getaway (Part 2)

13.2K 373 116
                                    



I dedicate this chapter to you sweeties, Katherine Transfiguracion at sa kambal mong si Kathline Transfiguracion. Hindi kayo pwedeng paghiwalayin na dalawa kaya isinama ko na kayo sa iisang dedication! HAHA \/(^____^)\/ I love you sweeties. Godbless and take care always. <3



Hi sweeties! Gusto ko lang magpasalamat sa suporta niyo sa PMS. Sa pagvo-vote, pagco-comment at pagtangkilik. Sa mga patuloy na nagme-message sa akin na hindi ko pa rin ma-replayan pasensya na kayo! Mare-replayan ko din kayo lahat. Thank you and Godbless always. 



Gloria's FantasyLand Grand Parade on the multimedia section sweeties! <3 



Chapter 53: Vacation Getaway (Part 2)



[STELLA]



Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaantay kay Tara na matapos maligo. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at tumingin-tingin sa paligid. Wala na si Arkin at Shane sa sofa at mukhang tapos na din maligo si Tara kaya tumayo na ako at kinuha ang damit pampalit.



Kinakalkal ko ang aking gamit ng tumunog ang aking phone sa side pocket ng aking bag. Mabilis ko itong kinuha at nang makitang si Hellard ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.



"Hell!" masayang bati ko. Ilang araw na rin kasi ang lumipas nang huli ko siyang makausap. May communication pa din naman kami syempre, hindi ko lang pinapaalam kay Shane para alam niyo na, para walang maging problema.



"What's up?" parang tamad na tamad na tanong niya sa kabilang linya. Hindi na talaga siya nagbago napakaseryoso at cold pa rin kung magsalita. Pero masasabi kong malaki na din ang in-improve niya simula nang makauwi kami dito sa Pilipinas.



Minsan niya nang nai-kwento sa akin na araw-araw daw silang nagbo-bonding ng mommy at daddy niya, gusto niya daw bawiin ang mga araw na hindi niya nakasama ang kanyang tunay na mga magulang kaya inuubos niya ang oras sa mga ito. Hindi naman sila magkasundo ng kapatid niyang si Chase at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakapag-usap na sarinlinan.



Bakit? Dahil naiinis siya sa kapatid niya na pinakasalan ang babaeng pinakamumuhian niya, walang iba kundi si Patricia. Sino pa ba? Isa 'din daw sa mga rason niya ay ang kaduwagan nito't pananakit kay Shane. Hindi daw nag-iisip at tinakot lang ni Patricia bumigay na. Kung anu-ano pang mga panlalait tungkol kay Chase ang binanggit niya pero dinedma ko na lang ito.



"Hoy!" nailayo ko ng de-oras ang phone sa tenga ko nang bigla siyang sumigaw. Muntik na akong mabingi! May saltik talaga ang lalaking ito kahit kailan. Napaka-iksi ng pasensya at mainipin masyado.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon