Dedicate this chapter to @christmarygrace and @ands87. Hi sweeties! Thank you sa pagsubaybay ng istorya ni Shane at Chase. Godbless always. <3
Chapter 61: Makeover
[CHASE]
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ang una ko talagang hinanap ay si Hell.
Namataan ko siya sa kusina habang pinapakain si Casmere na nakaupo lang sa baby sitter nito.
"What the hell! Wag mo nga akong artehan na bata ka. Eat..." rinig kong pakikipag-usap nito kay Casmere na pinaglalaruan lang ang pagkain sa mesa niya. Napangiti ako sa nakita ko at nawala ng kaunti ang galit sakanya.
Kahit kailan talaga, hindi mapagpasensya ang kapatid ko.
"Ako na nga dyan." napatingin siya sa gawi ko at tila nagulat pa ng makita ko. Kinuha ko ang kutsara sa kamay niya at kusa naman siyang umalis sa silyang kinauupuan at ako ang pumalit dito.
"Nandito na ang daddy baby...Kain ka na...Say ahhh..." tumingin sa akin si Casmere at ngumiti tsaka kusang lumapit sa kutsarang nakalahad na malapit sakanyang bibig. Napangiti naman ako ng kainin niya ang laman ng kutsara.
"Seriously? What't the issue of that kid? He won't even eat anything when I was trying to feed him." pinigilan kong wag matawa sa pagkadesmayang nakikita ko ngayon kay Hell. Umiling-iling pa siya at aalis na sana sa kusina pero mabilis ko siyang tinawag kaya lumingon itong muli sa gawi namin.
"May kasalanan ka pa pala sa akin! Anong pumasok sa kukote mo't gusto mo akong magpanggap na babae ah?! Sa dinami-dami ng pwedeng isipin yun pa talaga ang naisip mo?!"
"Can't you just be thankful that I tried to think of something just to help you? If you don't like the idea then don't do it. Bahala ka sa buhay mo. Aakyat na ako. I'm tired." marami pa sana akong sasabihin sakanya pero mabilis niyang nilisan ang kusina at umakyat na sa itaas. Napabuntong-hininga na lang ako.
Pinraktis ko pa naman yung mga sermon ko sana sakanya hindi ko rin pala masasabi. Sayang.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagpapakain kay Casmere pagkatapos ay pumunta kami sa may garden para magpahangin. Hinayaan ko lang maglaro si Casmere sa damuhan habang ang isip ko naman ay lumilipad na naman sa kawalan.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?