Chapter 74

3.5K 154 95
                                    



In the last part of the book, I'll mention all your names there.  So sa mga silent readers if you wanted to be mention as well, just commend down below. Babalikan ko yung mga nagcomment sa pinaka-umpisa nitong book II and mention everyone na nagcomment sa comment box, for my fb friends na kasama sa group and for those who are active, hahagilapin ko kayo isa-isa promise. hahaha. See you on the last chapter...


Saranghae <3


** & ** & ** & **& **


CHAPTER 74


[SHANE]


"Are you sure about this Shane?" asked my Manager. I took time to rethink about my decision before I answered her question again.


"Yes. I want to resign."


Manager let out a deep sigh after hearing my answer again. Napasandal siya sakanyang upuan at ipinatong muli sakanyang mesa ang resignation letter ko.


"Why would you want to give up you career now Shane? Your famous, you're in demand, people idolize you and love you, but why? This is too sudden..." turan ni Manager na tila nabigla pa din sa aking naging pasya. Napayukod na lamang ako at nilaro ang daliri sa aking hita.


Ever since Arkin died, I lost my interest in acting and modeling. Pakiramdam ko wala ng saysay pang magpatuloy sa industriya gayong wala naman na ang nag-iisang dahilan kung bakit ko pinasok ang karerang ito.


Everything in the industry reminds me of him and that is what's making me miss him more. I know this is not in favor for them pero pagod na ako, gusto ko na ulit bumalik sa normal na buhay na meron ako noon. I miss my friends, I miss my freedom, I miss what I am before...


"Well then... I cannot do anything about this anymore. If this is what your heart desires then I'll set you free. I know this is what Arkin would want for you too." I felt relived as what my Manager said, hindi ko tuloy napigilang mapaiyak at mapayakap sakanya.


"T-Thank you Manager... I will miss you..." she tapped my back and hugged me back, nalulungkot ako pero sa puso ko masaya akong matupad ang isa sa mga kahilingan ko...


Pagkatapos naming mag-iyakan ni Manager sa kanyang opisina ay dumiretso ako sa tabing-dagat kung saan isinaboy ang abo ng labi ni Arkin.


Ninamnam ko ang sariwang simoy ng hangin maging ang nakakarelax na tunog ng alon mula dito.


Hanggang ngayon ay puno pa din ng pagsisisi at panghihinayang ang aking puso sa pagkawala ni Arkin, though alam kong wala nang magagawa ang nararamdaman kong ito para maibalik pa siya, nangyari na ang nangyari, hindi titigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa pagkawala ng taong malapit sa akin. I just have to accept that life continues no matter what.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon