[CATHY]
Sad to say but we have to leave! Hindi ko na tuloy makikita si Arkin babe but I already gave him my phone number kaya sana naman he'll call me when they get back to Manila, para mapuntahan ko siya at makita ulit.
"Cathy! Buong bahay ba ang dinala mo?! Ang bibigat ng mga gamit mo! Tulungan mo kaya akong magbuhat!" pagrereklamo ni Kuya habang naglalakad kami palabas ng hotel. Well, wala na kasi si Alex kaya wala nang nagbubuhat ngayon ng gamit ko, alangan namang me ang magbuhat ng mga stuffs ko diba?!
"Be a gentleman naman kuya! You're so arte! Ako na magpapara ng taxi for us." I said to kuya tsaka naunang lumabas sakanya ng hotel.
As I was walking my way to the exit of the hotel, napatingin ako sa bandang kaliwa ko, sa parking lot to be exact and saw a very familiar face, so I stopped, took off my glasses and stare at him for a moment.
"I saw him before. . . . . . . . " I said habang pilit na inaalala kung saan ko nakita yung guy. Wait! Saan nga ba ulit?
I saw him glanced my way pero hindi naman ata ako napansin at sumakay na sa loob ng kotse.
"HOY! TINATAYO-TAYO MO DYAN?! MAGPARA KA NA NG TAXI!" sigaw ni kuya from behind na hirap na hirap sa pagbibitbit ng mga luggages ko.
Palibhasa kasi hindi matso!
"OO NA!" Inis na sagot ko sakanya then wear my sunglasses and walked again.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?