I dedicate this chapter to Ms. Tricia Anne Badayos Cagomoc. Hi sweetie, alam ko paulit-ulit na lang ito at nagmumukhang scripted pero uulitin ko ulit. HAHA. Maraming maraming salamat sa pagsuporta sa PMS, sana hanggang sa dulo ay subaybayan mo ang storyang ito at hindi ka magsawa. Godbless sweetie, parating mag-iingat and I love you. <3 <3
Sa mga susunod na chapters, dala-dalawa na ang dedications para naman bago matapos ang story ay mailagay ko kayong lahat sa dedication. :) I love you sweeties and enjoy reading.
#PATRICIA
#PMSBOOKII
Chapter 47: Patricia Chin
"Mommy! Why do I have to see a doctor, may sakit po ba ako?"
"Wala baby. We just need to make sure na healthy ka."
"Why po si ate hindi nagpapatingin sa doctor?"
"It's because your sister is healthier than you sweetie. C'mon, you go inside."
"Pero mommy I'm scared!"
"Don't be sweetheart, nandito lang kami ni daddy sa labas ng pinto. If you need us, just call out for us."
"Okay mommy."
Since I was young, mom and dad would take me to a hospital regularly. Palagi nilang sinasabing it's for my health check up at ako naman ay mabilis na naniniwala. Ofcourse, because they are my parents and I know na nagsasabi sila sa akin ng totoo. Noong mga panahong iyon ay wala din akong kamuwang-muwang sa mundo. Isang di hamak lang naman akong paslit na mabilis mabilog ang ulo.
At the age of 7 ay nasa grade 1 na ako at nasa iisang school lang kami ni ate Krishna. She's grade 2 right now at malapit lang ang classroom nila sa amin. Tuwing break time naaalala kong pinupuntahan ko pa siya sa room niya at nakakatanggap ako ng kabilaang pang-aasar mula sa mga kaklase niya.
"Nye! Nye! Nye! Nye! Nye! Baliw! May sayad sa utak!" paulit-ulit nila itong sinasabi sa akin at hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang aking sarili. Marami sila isa lang ako. Isa pa, hindi ko rin alam ang ibig nilang sabihin. Paano ako naging baliw? Paano ako nagkaroon ng sayad sa utak? Last time I check mabuti pa naman ako at nakakapag-isip ng matino.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?