Chapter 40: Decisions Made

16.7K 414 74
                                    



Hi Emjaequeen! Natutuwa ako pag nakikita ko mga comments mo. Ang hahaba! HAHA. Thank you sweetie. Lovelots. Take care and Godbless.




Chapter 40: Decisions Made




[TARA]




"Sorry, we did everything we can."



"Please doc! Please! Buhayin niyo po ang anak ko! Please!!!"



"I'm sorry misis. Puntahan niyo na po siya sa loob."




"P-Pero. . .ANAK KO!!! Hindi! Bakit mo kami iniwan!!! Bakit hindi ka lumaban!!! A-Anak..."




Agad akong napapunas ng luha ng maramdaman ko ang init na dala nito sa aking pisngi. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa nakikita kong pag-iiyak ng isang ginang sa tapat ng E.R.




Nakita ko pa ang pagsugod sa babae niyang anak dito sa hospital. Duguan ito at wala ng malay. Hindi ko alam kung anong nangyari dito pero sa tingin ko ay malala ang aksidenteng kinasangkutan niya. Halos maglupasay na ang kanyang ina sa sahig dahil hindi nito matanggap ang sinabi ng doctor. Makalipas ang ilang minuto ay may dumating pang iilan na tao at lumapit sakanya. Nagsimula na din itong mag-iyakan ng makita ang malamig na katawan ng babae.




"Tara." nabaling ang aking tingin sa lalaking tumawag sa akin, si Ken. Saglit kaming nagkatitigan at nabakasan ko ng pag-aalala ang kanyang mukha.




"Are you okay?" tanong niyang hindi agad naproseso ng aking utak. Tsaka lang ako nakasagot sakanyang tanong ng hawakan niya ako sa balikat.




"O-Oo." kandautal na sagot ko sakanya. Nangunot ang noo niya at parang di kumbinsido sa sagot ko pero makailang saglit lang ay ipinagkibit balikat niya na lamang ito.




"Shane's awake now. Hinahanap ka niya." mabilisang tango ang aking sinagot sakanya. Kinuha ko ang shoulder bag sa aking tabi at isinukbit ito sa aking balikat tsaka na tumayo. Sabay kaming naglalakad pabalik ng silid ni bessy at walang nagsasalita sa aming dalawa. Napasok tuloy ang aking utak ng samo't-saring bagay.




Labis na takot ang aking naramdaman ng makita ko si bessy na kinakapos sa paghinga. Agad kong pinatawag ang doctor kay Eric at Ken at mabilis naman itong rumesponde at pumasok sa loob ng silid kasama ang dalawa pang nurse. Nanghina ang aking tuhod dahil sa labis na panghihina pero mabuti na lamang ay nakapitan ko pa ang balikat ni Ken.




"We should call tita and tito Robert." natatarantang ani ni Eric tsaka lumabas ng silid.


PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon