I dedicate this chapter to you sweetie, Maricar Ricarte. Thank you for supporting my story. Maraming salamat din sa pagiging active sa group! ^_^ I love you. Take care and Godbless. <3
Gusto ko rin batiin ng Happy Birthday ang cousin ko na si Ellen Masagca, hihi. Enjoy your birthday pinsan! We love you. <3
#BELATEDHAPPYNATIONALILOVEYOUDAY and #HAPPYHALLOWEEN mga sweeties! Just want to say I love you sainyong lahat. :) Thank you for supporting my stories. Sa mga silent readers na ngayon ay hindi na silent readers! Welcome sa real world! HAHAHA. Maraming salamat at lumabas na kayo mula sa mga lungga niyo. Joke! I love you at maraming salamat. Nababasa ko lahat ng messages niyo sa wall ko at maging ang mga PM niyo, pasensya na kung hindi ako makapagreply. Yun lang, maraming salamat sweeties. :*
Please join our FB group: PsycheSpellCaster Stories and add me up on Facebook: Psyche SpellCaster. Thank you sweeties. <3
#PMSBOOKII
Chapter 46: Real Foe
[HELLARD]
Dumagundong ang kaba sa aking dibdib ng tutukan ng baril ni Patricia si Shane sa kanyang baba. Halos panggigilan niya na ito sa sobrang pagkamuhi. Nanlilisik ang mga mata niya at madiing kinakagat-kagat ang ibabang bahagi ng kanyang labi dahil sa sobrang galit.
Nang makita ko siya kanina ay wala akong naramdaman na kahit na ano, maging ng yakapin niya ako hindi man lang tumibok ang aking puso. Mas inaasahan ko sanang may maramdaman akong kahit kaunting kasiyahan ng makita ko siya pero sadyang wala talaga. I feel nothing but despite all of that, pakiramdam ko kailangan ko pa rin siyang protektahan.
"Stop it Patricia!" sabay kaming napasigaw ni Arkin ng makitang nasasaktan na ng labis si Shane sa pagkakasabunot sa kanyang buhok pero tila walang narinig si Patricia at nakatuon lang ang tingin dito.
"I've waited for this day to come Shane. I have wished everyday that this will happen. Kating-kati na akong patayin ka alam mo ba yun? Kating-kati na akong patayin ka...Nagsisisi ka na ba ngayon na inagaw mo sa akin si Chase huh?! Nagsisisi ka na ba ngayon na nilandi mo siya at nilayo sa akin?!!" The hell! It should be Shane telling that to her at hindi siya. Siya ang naglayo sa akin kay Shane di'ba?
I shook my head in confusion. How I wish I could remember everything para alam ko kung ano ba talaga ang tunay na nangyari limang taon na ang nakararaan. Ang mga sinabi sa akin noon ni Stella ay hindi sapat. Tanging nasabi niya lang ay nasangkot ako sa aksidente kasama si Shane at doon na iyon natapos. Hindi niya na nagawang ikwento pa sa akin ang kasunod dahil sunod-sunod na ang mga di inaasahang pangyayari kagaya nito. This is making me so upset!
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?