Just want to say Advance Happy Birthday to Miss Champagne Go. December 16 right sweetie? Maghihintay pa sana ako mag 16 kaso baka mas lalo kong makalimutan kaya inadvance ko na. hahaha. Anyway, hope napasaya kita sa maliit na regalong ito. <3 Wish you all the best and thank you for supporting PMS II. See you soon. <3
CHAPTER 72
[CHASE]
Dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat, ramdam ko ang pagtagos nito sa aking buong katawan maging ang lamig na dala nito sa akin. Nakadagdag lamang ito sa kabang aking nararamdaman ngayon at tila nanigas na ako sa aking kinatatayuan.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ako kung kabahan ngayong alam kong nasa harapan si Shane. Hindi naman ito ang unang beses na nalapitan ko siya ng ganito kalapit simula ng maging magulo ang lahat sa aming dalawa. Sa katunayan noong nakaraang araw ay nagawa ko pang tumabi sakanya...
"Shane." Lakas loob kong tawag sakanya muli... Sa pagkakataong ito'y nagawa niya na akong lingunin pero hindi siya diretsong tumingin sa akin. Nakatingin lamang siya sa lupa habang magkadaop ang mga palad.
Nagawa ko na naman siyang pagmasdan habang hindi siya nakatingin. Halatang-halata pa din ang pamamaga ng kanyang mga mata, maputla ang kanyang kulay at tila pumayat siya.
"Babalik na ako ng US. " may kirot sa dibdib akong naramdaman ng mapagtanto kong muli na naman siyang lilisan. Hindi ko na naman masisilayan ang kanyang mukha, malalayo na naman siya sa akin... Mag-isa na naman ako...
"Can you not stay?" napalunok ako sa aking nasabi. I am not supposed to voice that out pero bigla na lang lumabas sa aking bibig. Pahamak talaga kahit kailan. Gustuhin ko mang baguhin o bawiin ang aking sinabi ay di ko na nagawa pa dahil nagawa niya ng masagot ang aking tanong...
Nagulat ako ng bigla niya akong tapunan ng tingin, naging iratiko muli ang pagtibok ng aking puso, nakakabingi...Mas tumindi pa ang kabog sa aking dibdib ng magawa niyang ngumiti sa akin... Is it for real? Naitanong ko sa sarili dahil sa tuwang nadarama... Pero ang tuwang yun ay agad din naman palang kukupas...
"I wish I could..." sandali niyang pinutol ang sasabihin tsaka huminga ng malalim, kasabay nun ang pagtulo ng luha sakanyang pisngi na aking ikinagulat... "But obviously I can't. I don't see any reason for me to stay here Chase... Gayon pareho naman nating alam na tapos na ang lahat sa pagitan nating dalawa..." parang binambo ang dibdib ko sa sinabi niya... Tapos na ba talaga? Hindi na ba talaga pwedeng ibalik pa?
Hindi ko napigilan ang emosyong umalpas sa aking katawan... Gusto kong mapaluhod sa mismong harapan niya dahil sa bigat sa aking dibdib... Bakit ganito siya... Kahit katiting ba wala na talaga?
"Ako na lang ba talaga ang lumalaban sa ating dalawa Shane? Ako na lang ba talaga ang umaasang maibabalik ko pa ang lahat sa dati? I'm trying my best Shane... I'm doing my very best kahit sobrang sakit na, maiayos at maibalik ko lang ang lahat sa dati... Mahal pa rin kita... At hindi nagbago yun kahit na matagal na panahon ng magkalayo tayo sa isa'-t-isa..." this is not the first time I cried in front of her... Maraming beses na akong nagpakita ng kahinaan sa harap niya... I'm used to it... Pero bakit parang sa lahat ng iyon ito ang pinakamasakit...
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?