Chapter 43: Miles Apart

15.9K 386 66
                                    




Good Evening sweeties! XD Nakuu! Ayan at late na naman na'post ang update. Pasensya na po! Gusto ko lang magthank you sa mga patuloy na nagme-message sa akin dito sa wattpad at sa facebook. :) Alam niyo kung sino kayo sweeties! So thank you at sorry kung minsan hindi na ako makapagreply sainyo. <3 


#PMSBOOKII


Chapter 43: Miles Apart



[CHASE]



Nanlamig ang mga kamay ko ng sabihin sa akin ni Cris na dinala na naman si E.R. si mom. She suddenly lost her conciousness at bago iyon mangyari ay ako ang hinahanap nito.



Nanlalamig at kinakabahan akong napaupo sa tabi ni Shane. Hinawakan ko ang kamay niya para makakuha ng lakas mula sa panghihinang unti-unting kumakain sa akin ngayon. I don't know what to do right now, natatakot ako. Gusto ko siyang puntahan ngayon pero parang hindi ko kayang makita siyang nahihirapan.



"Chase, balikan mo na ang mom mo. Kailangan ka niya." I met her gaze at mataman siyang pinakatitigan. Hindi ko alam ang isasagot sakanya. Blangko ang utak ko at kahit anong gawin kong pag-iisip parang walang pumapasok. Mariin akong pumikit at huminga ng ilang beses. I'm trying to calm myself down. Hindi ito ang tamang oras para magpakaduwag at magpakatanga. I need to clear my mind out.



Nang mahimasmasan ay ibinalik ko ang tingin sakanya, "But be... Are you sure you'll be fine here? Ayokong iwan ka dito~"



"I'll be fine. Mas kailangan ka ng mom mo kaya bumalik ka na 'dun. Baka kung ano na ang nangyayari kay tita." turan niyang may kasamang pisil sa aking nanlalamig na kamay. Pinisil ko pabalik ang mainit niyang palad.



Alam kong sa mga oras na ito ay hindi dapat ako malito kung sino ang dapat kong unahin. Malinaw sa akin na si mom ang dapat kong pagtuunan ng pansin pero nagdadalawang-isip akong iwan si Shane. I really have this weird feeling na hindi ko dapat siya iwan dahil pakiramdam ko siya ang mang-iiwan.



Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman. Maybe because sa mga salitang sinabi niya sa airport? Well she already promised me na hindi niya ako iiwan, hindi siya aalis and she'll stay by my side. Sa ngayon 'yun ang mga salitang pinanghahawakan ko. I know she won't break that promise, I trust her.



"Go." muli akong napapikit at bumuntong-hininga. 'I need to trust her, I need to trust her.' Paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili pampalubag loob na rin at para hindi na ako masyadong mag-isip pa.



"Okay. Babalik ako agad be...Hintayin mo ako okay?" gusto kong marinig sakanyang maghihintay siya sa pagbabalik ko. Doon lang ako mapapanatag at baka sakaling mawala ang kaba sa aking dibdib. Tanging tango ang isinagot niya sa akin at sinamahan ito ng isang pilit na ngiti. Hindi ko na siya kinulit pa at hinalikan sa pisngi bago tumayo.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon