Chapter 79
[SHANE]
Nagising ako ng makarinig ng pagsara ng pinto. Pupungas-pungas akong naupo sa kama't sinilip ang pintuan nagbakasakaling may makitang tao roon pero wala naman.
Sandali pa akong natulala bago tuluyang tumingin sa sarili. Hubo't-hubad ako at masakit ang aking likod maging ang nasa gitna ng aking mga hita. Napangiti ako ng sumagi muli sa aking isip ang gabing napagsaluhan naming dalawa.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may nangyari na sa amin, hindi lang isang beses pero maraming beses namin itong ginawa. Isa iyon sa pinakamasarap na pakiramdam na hindi ko makakalimutan...
"Chase. . ." nilingon ko siya sa aking tabi ngunit wala na siya roon. Marahil siya iyong narinig kong nagsara ng pinto.
Napahiga akong muli at tinitigan ang kisame. Hindi maalis ang ngiti sa aking labi at tanging mukha niya lamang ang nakikita ko... Ano ba yan! Kinikilig ba ako?!
Pagkatapos nang nangyari sa amin kagabi ano na ba ang magiging estado namin nito? |big sabihin ba nito'y magiging kami na ulit. Ngunit paano si Stella? Dapat ko bang sabihin o hayaang si Chase na lang ang magsabi sakanya?
Hindi naman kaya sasama ang tingin sa akin ng mga kaibigan namin? I feel guilty at some point pero mas nangingibabaw ang saya at contentment sa akin. Isa pa, I remembered Chase's words last night, starting today, he'll make things right.
Now, how will he do that?
Ilang oras pa akong nanatili sa aking kwarto bago lumabas dala-dala ang aking gamit. Tumawag na din ako sa opisina kung bakit hindi ako nakapasok kaninang umaga, wala naman silang sinabi sa akin.
Anyway, papalapit na ako sa aking mga kaibigan at walang tigil sa pagtibok ng malakas ang aking dibdib, natatakot ako sa maari nilang sabihin, that is, kung alam na nila na may nangyari sa amin ni Chase.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili pero nang makita ko si Chase na lumabas mula sa loob ng sasakyan di ko napigilang mapatulala at manigas sa aking kinatatayuan.
Diyos ko po! Bakit parang may ilaw na kumikinang sa likuran niya?!
"Oh bessy! Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo naman ata." Puna ni bessy, muli tuloy bumalik sa aking isipan ang dahilan kung bakit ako natagalan sa paglabas sa loob ng bahay.
Kinailangan kong labhan ang bed sheet sa aking kwarto dahil sa dugo dito, nakakahiya naman kasing makita pa iyon nang naglilinis ng mga kwarto sa resort. Iniwan ko na lamang ito malapit sa may bintana para patuyuin tsaka ako umalis.
"Ahh ehh. S-Sorry, may ginawa pa kasi ako." Tsaka nadako ang mata k okay Chase na nakatingin na din pala sa akin. Akala ko ay may gagawin siya pero pumasok na ito sa loob ng kotse, napahiya naman ako ng kaunti doon.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?