CHAPTER 11: This I think would be the Last

12.5K 435 43
                                    

Good evening dear readers! Sobrang natutuwa ako dahil maraming nagme'message sakin na sobrang nagagandahan sila sa mga gawa kong stories, I'm very touched at sobrang nakakataba po talaga ng puso. Maraming salamat sa mga walang sawang sumusuporta sa stories ko. Mahal ko kayo, isa po kayo sa inspiration ko sa mga stories ko. :) <3 Message niyo lang ako kung gusto niyo akong makausap dear readers. :) Magre-reply ako promise. Salamat ulit, sa mga nagco-comment, nagvo-vote, naga-add ng stories ko sa RL nila at sa mga silent readers. Thank you. Godbless you all.

~JEANNY

* & * & * & * & * & * & * & *

[SHANE]


"Ok lang talaga ako Dale, ano lang kasi. . . . . . . " Pano ko ba to sasabihin sakanya?


Tumingin ako sa labas ng shop at wala na dun si Chase, napakagat na lang ako sa labi dahil sa panghihinayang. Sa kinuwento ko kaya may naalala siya?

"Ano? Who is that guy anyway? Friend mo?" Binalik ko ang tingin sakanya, gusto ko siyang tingnan ng masama kasi di naman kami close o magkakilala pero kung umasta siya parang magkaibigan kami, kaso ang sama ko naman kung gagawin ko yun, wala na ring dahilan para gawin pa yun kasi wala na si Chase.


Bakit niya nga pala gustong malaman ang tungkol dun? Hindi ko man lang tuloy natanong. Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang pagkadesmaya.


"Mabuti pa umuwi ka na, maggagabi na." pagkasabi niya nun ay agad na akong tumayo at kinuha ang bag ko sa upuan.


"Teka, ihahatid na lang kita." pagkasabi niya nun ay agad akong lumingon, "wag na. Kaya ko naman eh. Sige." tsaka na ako tumakbo palabas ng shop para di na siya makapagsalita pa.



Grabe ang lalaking yun, close ba kami?

"Hoy!" Ay kabayo! Napatalon ako sa gulat ng may bigla na lang magsalita sa tabi ng pader, nang tingnan ko ito, nagulat ako.


"CHASE!" lumiwanag bigla ang mukha ko at napangiti ako, napalitan ng galak ang pagkadesmaya ko kanina at parang nabuhayan ako. Ang akala ko kasi, umalis na siya at di ko na naman makikita.

"I need to know your story, so your coming with me." hinila niya ako bigla papunta sa kung saan. Pangalawang beses niya na itong ginagawa, una yung dun sa restaurant tapos ngayon ito.


Napunta kami sa tapat ng Mang Inasal at tsaka kami pumasok sa loob. Hindi naman masyadong matao pero kunti na lang ang available seats. Bakit kaya dito niya ako dinala? Tiningnan ko siya na parang nagtatanong tsaka naman siya sumagot.


"Nagugutom na kasi ako, ang tagal ko kayang nag-antay dun sa labas! Tss. Hindi ka ba nagugutom?" Sabi ko nga, nagugutom na siya.

"Gutom na rin."



Naupo kami sa may bandang gitna, yung pang-apatan na upuan, dun na lang kasi pwede eh. Nung makaupo ako tumayo naman siya at sinabing siya na ang mago-order ng pagkain, magbibigay pa sana ako ng pera sakanya pero umalis na siya agad.


Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapila siya, tinitigan ko siya, hindi ko inalis ang tingin sakanya. Sa pustura at tindig niya pa lang kasi, si Chase na si Chase ang nakikita ko sakanya, ang paglagay niya ng mga kamay sa kanyang bulsa, ang paggalaw ng paa niya sa tuwing naiinip at ang seryoso nitong mukha pagna-iinis.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon