CHAPTER 25: Truth Revealed

14.4K 410 67
                                    




[HELLARD]



Hindi ko alam kung bakit sa bawat araw na lumilipas ay mas tumitindi ang kagustuhan kong mapalapit kay Shane, ilang beses ko nang tinangkang lapitan siya simula ng ito na ang nagsimulang umiwas sakin pero sa tuwing gagawin ko iyon ay bigla-bigla nalang nangangatog ang tuhod ko sa kaba.



It sounds gay and I've never been this way before pero iba ang karisma ng babaeng ito pagdating sakin. I hated her the first time I saw her but as time pass by, that hate is slowly turning into liking her, which is really unfair in my part.




[AUTHOR'S POV]



Ilang araw na ring palihim na binabantayan ni Hellard ang dalaga sa tuwing nakikipagsapalaran ito mag-isa sa lansangan. Hindi kasi nito magawang lapitan si Shane sa kadahilanang nahihiya ito sa mga sinabi nito sakanya noon. Ilang beses niya na rin kasing pinagtabuyan ang babae at ilang beses niya na rin itong iniwang mag-isa.



Hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap dito sa kabila ng mga ginawa nito sa dalaga. Noong una'y masaya pa siyang itinataboy palayo ang dalaga pero simula nang makita niyang umiiyak ito may kung anong epekto ito sakanyang puso na nagpabago sa nararamdaman niya patungkol sa dalaga.



Nagsimula na rin siyang dalawin ng mga bangungot at nakakalitong mga panaginip na ilang taon na rin siyang tinigilan pero ngayong ginugulo na naman ang isip niya. Madalas niyang makita ang mukha ni Shane sa mga panaginip pero hindi niya alam kung ano ang pinahihiwatig ng mga ito.



Maggagabi na at kasalukuyan siyang nakatago sa likuran ng isang mahabang poste at nakamasid lang sa kakalabas pa lang na si Shane sa school grounds nila. Maingat niya itong binabantayan habang naglalakad mag-isa papunta sa sakayan ng bus, ganito ang ginagawa nito araw-araw pagkatapos ng klase niya, napag-alaman niya na rin kasing malapit lang pala ang school nito sa school nila Shane.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon