Chapter 57: Mascot

16.9K 407 188
                                    



Pagpasensyahan na ang sound effects ni ate author mga sweeties! Hindi ko alam at hindi ako marunong sa mga ganyan eh. ahaha TT^TT



Marami ang nalilito sainyo sweetie kaya uulitin ko lamang po. Nasa FLASHBACK pa rin po tayo ni CHASE 3 MONTHS AGO ng pumunta siya sa New York. Yung last chapter po ay flashback at dito po matatapos ang flashback niya. Salamat sweeties.



CHAPTER 57: Mascot



[CHASE]



Kinabukasan ding iyon ay pumunta kami ni Ava sa Time Square para maghanap ng mascot custome na pwede kong gamitin para bukas. I'm going to use this whole day para makapagplano ng gagawin kong surpresa sakanya. If I really wanted to make her happy kailangang pulido at planado ang lahat. May naisip na din naman akong gawin at sana naman ay matapos ko siya lahat ngayon.



Ilang shops na ang napuntahan namin ni Ava pero hindi pa rin kami makakita ng mascot custome na pwede kong magamit para bukas. Alas dyes na ng umaga at napagpasyahan muna naming kumain sa mille-feuille bakery. Balita kasi namin ay masarap daw ang mga pastries nila dito at gusto ni Ava matikman ang mga ito.



Tatlong uri ng pagkain ang inorder ni Ava. French Macarons, French Croissant, Eclairs & Choux at syempre ang specialty ng shop nila, ang mille-feuille.



Mille-feuille lang ang kinain ko dahil yun lang ang pasok sa panlasa ko samantalang siya ay tinira lahat ng nasa mesa.



"Paano kapag wala tayong nahanap na custome, ano na lang gagawin mo?" tanong ni Ava kaya nalipat ang atensyon ko sakanya mula sa mga batang naglalaro ng snow sa labas.



"Hindi pwedeng wala akong mahanap. May mahahanap din ako." sagot ko sakanya tsaka muling tumingin sa labas ng glass wall.



Muling nag-play sa utak ko ang mga ngiti at tawa ni Shane habang may kausap siyang mga bata kahapon. Gusto ko ulit iyon makita sakanya kaya kahit na anong mangyari kailangan kong maisakatuparan ang lahat ng plano ko. Mayroon na lang akong kalahating araw para asikasuhin ang lahat bago ang Christmas Eve mamaya.



Napabuntong hininga ako bigla dahil ang pinaka kailangan kong makuha ay hindi ko makuha-kuha.



"I think we should ask someone kung saan tayo makakabili ng mascot custome." suwesyon ni Ava habang nilalaro ang aso sa hita niya at pilit pinapakain ng tsokolateng kinakain niya.



Hindi niya ba alam na masamang pinapakain ng chocolates ang aso dahil pwede nila itong ikamatay?

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon