CHAPTER 4: Rason ng Pagbabalik

15.1K 483 146
                                    

Hello! Hello! ITo na! Updated na rin! Sorry at ang pagong nang update nito ha. ^__^

Nga pala guys, satingin niyo anong magandang tawag sa loveteam nila Arkin + Shane = ?

At kay Hellard + Shane = ?

Comment niyo na lang sa comment box. :)

~jeanny

* * * *

[SHANE]

Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa sinabi ni mommy na may bisita daw ako. Sa mga ngiti niya parang may kahulugan. Di kaya, si Chase na ang bisita ko?? Di kaya bumalik na siya sakin??

Dali-dali akong pumunta ng sala at napatigil sa may pintuan. Tiningnan ko lang ang likod ng lalaking nakatayo malapit sa may bintana, nalungkot ako bigla dahil alam kong hindi siya yun. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa din ako, ang sakit-sakit na pero di ko kayang itigil.

Lumingon na siya sa pagkakataong ito at isang matamis na ngiti ang binati sakin. Hindi ko naman alam kung ngi-ngiti ba ako pabalik, naaalala ko pa rin kasi hanggang ngayon ang ginawa niyang panloloko sakin na naging dahilan din nang di naman pagkakaunawaan ni Chase, na naging daan para mawala siya sakin ngayon.

"Long time no see Shane, how are you?" tanong niya na hindi ko alam kung pano sasagutin. Even I don't know, kung kamusta na ba ako. Paano ko sasagutin ang tanong niya? Habang tinitingnan ko siya ngayon, bumabalik ang lahat ng sakit, ang nakaraan na pilit kong tinatakasan pero di ako makawala.

"I-I don't know Arkin." tsaka ako tumingin sa sahig, lumapit naman siya sakin at niyakap ako bigla, nagulat ako sa ginawa niya pero niyakap ko na lang siya pabalik.

"I'm sorry. Yan ang gusto kong sabihin sayo noon pa. I'm sorry if I didn't got the chance to say it to you bago ako umalis papuntang America." silence followed pero yakap-yakap niya pa rin ako. Huminga na lang ako ng malalim at tsaka pinikit ang mga mata ko, feeling ko kasi, any moment now, may mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko, baka di ko na naman mapigilan ang sarili ko at tumuloy-tuloy na naman ito.

Mahirap kasing iwasan ang mga bagay na magpapaalala sakin sakanya, Una, nandyan ang mga kaibigan niya, pangalawa, ang parents niya na hanggang ngayon ay nakakausap ko pa rin sa telepono kapag tumatawag sila para mangamusta, pangatlo, ang mga memories namin together na mapikit lang ako sandali, nakikita ko na sa isip ko.

"O-ok lang Arkin. Matagal na yun, it's part of the past, let's just forget all about it." forget all about it pero ang totoo hindi ko naman kayang kalimutan. Bahala na nga, gumaan-gaan lang ang pakiramdam niya.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin tapos hinawakan ako sa magkabilang balikat at tiningnan sa mga mata, "Shane, everything happens for a reason." Isang napaka-meaningful na sentence that makes me wonder, ano nga bang rason at nangyayari ang lahat ng to?

"I know everything happens for reason, but sometimes I wish I knew what the reason was." tsaka na naman tumulo ang mga walang hiya kong luha na kanina ko pa pinipigilan pero di ko na talaga kaya.

Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko gamit ang kanyang hinlalaki tsaka siya nagsalita ulit, "You'll know everything in the right time." Sana nga, pero kelan pa ang right time na yun?? Hanggang kelan pa ako dapat mag-antay?? Kung alam ko lang na ganito kasakit ang magmahal, sana pala di ko na lang siya nakilala, iiwan din naman pala niya ako pero bakit kelangan pang makilala ko siya?!!!

Nagkwento lang ng nagkwento sakin si Arkin tungkol sa mga nangyari sakanya nung pumunta siya sa America. Isa na pala siyang sikat na actor sa hollywood at di ko man lang alam. Medyo nagtatampo nga siya dahil di ko man lang daw alam yun gayong palagi siyang lumalabas sa mga TV shows, movies at magazines. Bakit nga ba di ko alam? Kasi di na ako nanonood ng TV ngayon.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon