Pinilit kong i'post ang update na ito kahit masama ang pakiramdam ko. -_- I'm sorry if maiksi lang siya. Try kong habaan sa mga susunod na updates. Gusto ko pa lang magthank you sa mga nag-add na sakin sa Facebook. Sa mga sumali na sa group at sa mga nagme-message. Thank you sweeties. Well appreciated, message lang kayo sa akin at sinasagot ko po yan lahat. :')
Dedicate this chapter to this lovely cute lady, Cecille Daine Mondero Alminaza. Hi sweetie. :* Take care palagi.
Chapter 39: Identical
[CHASE]
"How is she Hell? What happened? Why are you with her? Who did that to you two?" sunod-sunod akong binato ng tanong ni Blood habang nandito kami sa loob ng kotse niya at nagmamaneho ito pauwi sakanila. Kanina pa nagtatagis ang bagang ko at gusto ko ng paulanin ng suntok ang bubunga niya pero nagpipigil ako.
His my friend and I can't do that to him.
Ilang beses akong bumuntong hininga, bago sinagot ang isa sa mga katanungan niya. "She's doing fine now. The operation was successful." tanging yun lang ang napili kong sagutin sa mga katanungan niya.
Naging successful ang operation kay Shane at nagawa siyang salinan ng dugo, it took hours bago siya nilabas ng E.R. at sinabi ng doctor na kailangan niya na lang magpagaling at magpahinga. I left her room and she's still unconscious, ang mga magulang niya lang ang nagbabantay sakanya. I wanted to stay longer para bantayan siya pero hindi ako mapakali na kasama sa iisang kwarto ang mga magulang niya. There stares are sending goosebumps all over my body kaya napagpasyahan ko na lamang magpasundo kay Blood at umuwi.
Shane's parents were in shock ng makita nila ako sa loob ng Emergency Room. Pareho silang titig na titig sa akin habang nakaawang ang kanilang mga bibig. I'm starting to get pissed because of there stares. Para silang nakakita ng multo. Gustong-gusto ko na silang talikuran pero magmumukha naman akong walang respeto kaya nanatili ako sa aking kinatatayuan at hinintay na makabawi silang dalawa sa pagkagulat.
"Y-Your alive? H-How?" tila nagimbal ito ng sobra at hindi makapaniwala sa nakikita. Even his husband na natulos na ata sa kinatatayuan niya.
I wasn't able to answer her question ng magsalita ang isa sa mga nurse na naga-assist sa doctor na gumagamot kay Shane. "Please, doon na lamang po kayo sa labas mag-usap." We three hurriedly left the room without uttering a single word. Napadpad lang kami sa guest area at dito nila ako ginisa ng mga katanungan.
"Oh God Chase. How did you manage to survive? They said you were inside that car when it exploded." Shane's mom uttered. Sandali akong nag-isip kung sasabihin ko ba sakanila ang sinabi ni mom o hindi. I don't think it's even necessary to tell them what happened that night. Should I or should I not?
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?