CHAPTER 82
Kailan ba talaga natin masasabi na handa na tayong magsettle down kasama ang isang tao na binigay mo ang buong pagmamahal at buhay mo? What if kapag nagsama na kayo sa iisang bahay maraming magbago? What if bigla kayong magsawa o manlamig sa isa't-isa dahil palaging mukha niyong dalawa ang tangi niyong nakikita? What if biglang magloko ang isa? Mawalan ng oras sa isa't-isa? What if hindi pa pala siya yung tamang tao para sayo? What if mali yung taong inakala mong gusto mo ng makasama hanggang sa pagtanda?
Ang daming what if's pero sa kabila ng mga tanong sa isip mo gusto mong sumugal dahil mahal mo, dahil siya yung taong nagparamdam sayo na deserve mong mahalin ng sobra, na deserve mong pasiyahin dahil ikaw din ang dahilan kung bakit siya masaya. Deserve mong mahalin dahil ikaw yung taong tapat sa mahal mo.
We are not getting any younger, sa bawat paglipas ng taon dumadagdag ng dumadagdag ang edad natin, kailan nga ba ang tamang panahon? Should we just sit back and wait for Mr. Right just like what they always say, "Wag mong hanapin dahil kusa yang dadating." But the heck... No matter how much we wanted to wait and believe na makikita natin ang tamang tao para sa atin sa tamang panahon hindi pa rin tayo makapaghintay. Gusto nating may matawag na jowa, gusto nating may nag-aalaga sa atin, gusto natin na may kayakap, gusto natin na may lumalambing sa atin, gusto natin na may isang taong magsasabi at magpaparamdam sa atin araw-araw kung gaano nila tayo kamahal.
Diba ang sarap sa pakiramdam kapag may katawagan ka? Honey, bee, mahal, cupcake, muffin, pumpkin, babe, baby, etc. Minsan tayo na din mismo ang gumagawa ng sarili nating tawagan para unique. Ang dami nating nagagawa dahil sa pagmamahal, nagagawa nating magpakakorni, umastang baby, mahilig tayo mag tantrums para lang lambingin tayo, minsan galit-galitan para lambingin din ulit, yung kahit magdamag lang kayong magkayakap ayos na, solve na, kumpleto na ang araw natin...
Ang sarap talagang pag-usapan ng mga bagay na related sa pag-ibig. Sometimes hindi na natin napapansin ang oras, we have a lot to share when it comes to love, lalo na sa mga kaibigan natin, masyadong napapasarap ang usapan. Naramdaman niyo na ba yung pakiramdam na gusto mo ng ibunyag lahat ng karanasan mo sa pag-ibig sa mga kaibigan mo? Nadala ka na kasi sa usapan at sa sobrang gaan sa pakiramdam na maglabas ng saloobin ay kahit yung mga pinakatago-tago mong sekreto patungkol sa pag-ibig ay binubunyag mo na din. Well we all have been there. Highschool days and even your college days. . .
Now balik tayo sa tanong na, "Kailan ba talaga natin masasabi na handa na tayong magsettle down kasama ang isang tao na binigay mo ang buong pagmamahal at buhay mo?" Maybe some of you still cannot answer this question but for me I already got my answer. . . Teka mali. I already found the answer.
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
Roman d'amourTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?