CHAPTER 8: TIME TOGETHER

12.9K 432 22
                                    

Sorry po dear readers! Sobrang naging busy lang po this past few days. Ito na po ang update ko para sa story na to. :)

~jeanny

* & * & * & * & * & *

[HELLARD]




Ano kayang ginagawa ng babaeng to dito? Of all places dito pa talaga? Na-nanadya ba talaga ang kapalaran?




Tumakbo siya bigla palapit sakin tsaka ako niyakap ng sobrang higpit, napa-atras ako dahil sa impact ng pagyakap niya pero I was able to stand still.




"CHASE!! SA WAKAS NAKITA DIN KITA ULIT!!!" she said between sobs. Why is she crying??




Inalis ko siya sa pagkakayakap sakin tsaka ako lumayo ng kaunti. Magkasalubong na naman nga ang kilay ko eh, ewan ko kung bakit.




"Hell, sino siya?" napatingin kaming dalawa sa ka-date ko, she was wiping her mouth with the table napkin at nakatayo na. Tiningnan ko ulit yung babae sa harap ko tsaka ulit tumingin sakanya.




"Wait lang girl ha, are you his next date? Your way too early pa, may 2 hours pa kami oh! Tsupe ka muna!" sabi niya sa babaeng nasa harap ko.




Naka-isip naman ako bigla ng isang brilliant idea.




[SHANE]




Teka, tama ba ang rinig ko, date? Girlfriend ba siya ni Chase? But the way I see it parang hindi naman eh, sino ba tong babaeng to at dini-date siya ni Chase?




"Di ko alam ang sina. . . . . . . . " napatigil ako sa pagsasalita ng bigla na lang akong hilahin ni Chase palabas ng restaurant, nagtuloy-tuloy lang ang pagtakbo namin palayo sa restaurant.




Ang bilis nga ng tibok ng puso ko eh, hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o dahil lang sa sayang nadarama ko dahil nakita ko siya ulit at ngayon ay kasama ko na siya. Pinagmamasdan ko lang ang likod niya habang hila-hila niya pa rin ako, di ko maiwasang mapangiti.




Panaginip ba to o totoo?? Kung panaginip ito, sana naman wag na akong magising!




Di ko akalaing magtatagpo kami ulit, ang bait ng tadhana at hinayaan niyang makita ko ulit siya, unti-unti ko na rin sana siyang nakakalimutan dahil sa panliligaw ni Arkin pero di inaasahan na pagtatagpuin ulit ang landas namin, plano ba ito lahat ng tadhana para samin, para ipagpatuloy ang naudlot naming pagmamahalan?




Tumigil na kaming dalawa sa pagtakbo at pareho kaming naghahabol ngayon ng hininga. Napahawak pa ako sa tuhod ko dahil sa sobrang pagod, parang nanuyo na rin ang lalamunan ko. Medyo malayo din kasi ang tinakbo namin at ngayon di ko alam kung nasaan na ba kami.




Huminga ako ng napakalalim at tsaka tumingin-tingin sa paligid. Umihip bigla ang malamig na hangin na halos nagpanginig sa buong kalamnan ko, napako ang tingin ko sa gawing kanan namin at tsaka ako nanigas.




"Na-nasa tapat tayo ng sementeryo." bulalas ko habang nakatingin lang ng diretso sa nakakatakot na sementeryo sa harap namin ngayon.




Kaya pala madilim na sa bandang parte nitong kalye, wala ring masyadong nadaan, bakit ba kasi dito pa kami napadpad.




"Cha. . . . . . " nang lingunin ko si Chase, nakatalikod pa pala ito sakin, parang di nga gumagalaw eh, kaya hinawakan ko siya sa balikat.




"U-umalis na ta-tayo pwe-pwede ba???" nanginginig na sabi nito sakin. Natatakot ba siya??




"Chase, natatakot ka ba??" tanong ko out of curiosity, pumunta na ako sa harapan niya at tiningnan ang mukha niya, nakapikit pala ito habang nakakiyom ang kanyang mga kamao.




"Ta-takot ako sa mu-multo. . . . ." parang batang pagco-confess niya sakin habang nakapikit pa din. Napangiti ako dahil sa sinabi niya, nawala bigla yung takot na nararamdaman ko at parang napalitan pa ito ng galak. Ang cute niya kasing tingnan, di ko pa nakita ang side na ito ni Chase, di ko alam na takot pala siya sa mga multo.




Bigla namang nagflashback sa isip ko yung pagpunta namin ni Chase sa haunted house noon, hindi man lang siya natatakot sa mga multo sa loob ng haunted house at hawak-hawak niya pa nga ako ng mahigpit habang naglalakad kami nun sa loob, pero bakit ngayon takot siya?




Hindi nga kaya. . . . . . .




Umiling-iling ako sa sinasabi ng isip ko, "siya si Chase, siya si Chase!" Pagku-kumbinsi sa sariling sabi ko.




"HEY! Alis na tayo!!" galit nang sabi niya kaya tiningnan ko siya at may nakita naman ako mula sa likuran niya, tinitigan ko pa ito ng mabuti at nang maging malinaw na nga sakin kung ano ito, tinuro ko ito sakanya.




"Ma-may pu-puting la-lalaki dun!" nanginginig na sabi ko sakanya habang nakaturo sa direksyon ng sementeryo. Hindi ko nga alam kung maigagalaw ko pa ba ang mga paa ko, ni alisin ang tingin dun sa imahe parang di ko na rin magawa.




"A-ano bang sinasabi mo?!!! Wag ka ngang mana--nakot!!" maging siya natatakot na rin pero di talaga ako nagbibiro!




"Pero ti-tingnan mo kasi. . . . . . . " pagpupumilit ko sakanya pero hindi talaga siya lumingon at hinila na lang ako ulit, muntik pa nga siyang madapa dahil siguro sa panginginig ng mga tuhod niya pero mabuti na lang at nagawa niya pang mabalanse ang sarili.




[ARKIN]




I was left dumbfounded as I saw Shane ran out from the restaurant with a man whom I know is Chase. I was certain it was him, it was really him!




Questions started to form in my mind as I stand still on the very entrance of the restaurant, I was astonished and not able to move.




"It's impossible, really impossible." As I said repeatedly encouraging myself to believe in what my mind said.




His dead but who is that? Is that really Chase?!




[HELLARD]




Matumba-tumba na ako habang tumatakbo palayo sa sementeryong napuntahan namin, sa lahat naman kasi ng lugar na pwedeng mapuntahan doon pa kami napadpad.




Napa-upo na lang ako sa swing habang naghahabol na naman ng hininga, Fuck lang eh! Pagod na pagod na ako! Pero mas lalo naman siya.




Sa kakahila ko siguro sakanya kaya napagod siya ng sobra, tumayo ako swing na kinauupuan ko tsaka lumuhod sa harap niya para makapantay siya.




"Ok ka lang?" tanong ko.




"O-ok lang. . . . . " naghahabol ng hiningang sagot niya sakin habang nakangiti.




Ok naman pala siya eh, kaya tumayo na ako at bumalik sa swing na kinauupuan ko kanina.




Tanging huni ng mga gamu-gamo na lang at dahon na nagsasayawan ang naririnig namin ngayon, ang sarap niya sa tenga at hindi man lang ako naiilang na kasama ang babaeng to. Madalas naman naiilang ako kasama ang mga babae pero iba siya, para bang panatag na ako. Ewan ko ba.




"Ang saya-saya ko." nakuha niya ang atensyon ko ng magsalita siya, tiningnan ko siya at nakangiti siyang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan kaya tumingin na din ako. Sinimulan ko na ring igalaw nang pabalik-balik ang swing na kinauupuan ko para kahit papano malibang ako.




Tatanungin ko ba siya kung bakit? Hindi naman kasi ako interesado sa sasabihin niya eh. Ano naman ang pakialam ko kung masaya siya? Masaya pa siya sa nangyari samin kanina, ganon ba yun?




"Chase, wag mo na ako ulit iiwan ha?" Nakatingin na siya sakin nang sabihin niya ito at tila ba nangungusap ang mga mata niya.




Gusto ko siyang kaawaan dahil mukhang ang Chase na nakikita niya sakin ay isang napaka-importanteng tao sa buhay niya na bigla na lang nawala o iniwan siya at ngayon ay di niya na mahanap. Curious din ako kung sino ba yun at nasaan na siya pero ayoko namang tanungin siya ng tungkol dun, dahil ano nga naman ang pakialam ko diba?




"Miss, I'm not Chase. Will you please stop calling me by his name? I have my own name and I'm certain that ibang tao ang Chase na yan at hindi ako. Maybe magkamukha kami pero hindi ako siya. Please stop assuming things. Will you?" Hindi ko na naman ma-control ang sarili ko at napapasigaw na naman ako, I'm just irritated that's all.




"Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit di mo ako maalala Chase pero siguradong-sigurado ako, nararamdaman ko, ikaw si Chase! Hindi pwedeng magkamali ang puso ko."




She's crazy, really crazy about this Chase guy, boyfriend niya ba? Asawa? Fiance? I know how it hurts to be left behind pero I already moved on from the pain, siya ba di niya kayang gawin?




"Whatever. I'm otta' here!" tumayo ako sa swing na kinauupuan ko at kinuha ang cellphone sa pocket ng bulsa ko ng bigla namang hilahin nung babae ang braso ko kaya bigla kong nabitawan ang phone sa kamay ko at tumalsik ito sa kung saan.




"CHASE PLEASE! SAAN KA PUPUNTA?!!" Hinigit ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at tinulak siya palayo, now I'm pissed off. Bagong bili ang phone kong yun tapos masisira niya lang??!




"ANO BA?! YOUR SO IRRITATING?! FUCK! JUST GET LOST! I'M NOT THAT DAMN CHASE GUY SO PLEASE STOP! SIGURO KAYA KA NIYA INIWAN KASI MAKULIT KA AT SOBRANG NAKAKAIRITA! YOU KNOW WHAT, JUST MOVE ON! MAGHANAP KA NA RIN NG IPANGPAPALIT SAKANYA, PINAGPALIT KA NA RIN NUN FOR SURE!" napatigil siya with what I said, her eyes were full of emotions as tears started to fall from her eyes.




Napasobra ata ang ginawa ko, napailing ako dahil nasaktan ko ata siya sa mga sinabi ko. Ayoko pa namang nakakakita ng babaeng umiiyak, lumalambot ang puso ko, si mom kasi eh!




"I need to go." yun na lang ang sinabi ko bago tuluyang umalis sa park at iwan siya dito.




She'll be fine naman right?




[SHANE]




Sa mga sinabi niya nadurog ang puso ko, the way he talked and shouted in front of me para akong isang kasuklam-suklam na babae na di niya kayang tanggapin ulit.




Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya, hindi ko alam ang iisipin, siya nga ba siya o hindi? Pero bakit nililinlang ako nitong puso ko, sinasabi nitong si Chase siya.




Napa-upo na lang ako sa damuhan dahil sa sobrang sakit, I may look desperate pero mahal ko lang naman si Chase kaya ako nagkakaganito. Wala ba siyang kahit katiting na awang nararamdaman para sakin?

Nang magvibrate ang phone ko, sinagot ko agad ito nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Shane, where are you? I'll fetch you up!" si Arkin pala, buti pa siya nag-aalala sakin, si Chase ba hindi? Nagawa niya akong iwan dito, Hindi ba siya nag-aalala?

"Nasa park ako Arkin. Aantayin kita dito. Salamat." tsaka ko na ibinaba ang phone.

Nawala na naman siya, kelan ko na naman siya makikita?

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon