[CJ]
Babagsak na ang mata ko kakahintay kay Hell na pumasok sa school gate namin pero kahit anino niya hindi nagpakita. Hindi ba siya papasok ngayon? Balik-eskwela pa lang ha, absent na naman siya.
Teka! Hindi kaya pinuntahan niya na si Shane sa school nila? Alam niya na kaya kung saan nag-aaral yung babaeng yun tapos um-absent siya para puntahan siya doon?!
Agad akong napatayo sa aking kinauupuan dahil sa naiisip ko! Delikado ito! Hindi pwedeng magkalapit ang dalawang yun! Hindi! Hindi! Hindi!
Agad kong kinuha ang bag ko sa armchair ko at nagmamadaling lumabas ng room, narinig ko pang sumigaw si Cathy pero hindi ko na ito binalikan.
Tumatakbo akong pumunta sa kabilang building para puntahan si Blood at itanong kong nasaan ang kaibigan niya pero pagdating ko sa room nila ay wala sila roon. Walang mga estudyante sa room nila, nasaan kaya sila?
Tiningnan ko ang wristwatch ko at 4 PM pa lang at mamaya pang 5 PM ang labasan nila pero bakit wala nang tao dito?
Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan papunta sa gym ng school namin at doon ko nakita ang mga kaklase nila ni Hellard pero si Blood ay hindi mahagilap ng aking mga mata.
Kasama niya ata si Hell ngayon kaya kahit siya wala dito, baka tinutulungan niya na si Hell mapalapit dun kay Shane!
Ai naku! Hindi pwede!
Umalis ako ng gym at palabas na sana ng school grounds ng aksidente ko namang makasalubong ang taong hinahanap ko.
"Blood! Nasaan si Hellard?!" naghahabol ng hiningang tanong ko sakanya.
Hindi ko naman alam kong bakit parang balisa silang dalawa ni Cassy at patakbo rin ng makasalubong ko, may problema kaya?
"Oi sumagot ka??" natataranta nang tanong ko, pa-suspense pa kasi!
"Nakikipag-away siya, kasama si Calix at Tyrone!"
ANO DAW?!!!
[BLOOD]
BINABASA MO ANG
PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)
RomanceTotoo bang nabuhay si Chase mula sa aksidente? Si Chase at si Hellard ba ay iisa? Muli bang magkakaroon ng karugtong ang pagmamahalan nilang naudlot dahil sa aksidente?