CHAPTER 67: TRAP

12.2K 269 82
                                    



Sorry kung natagalan ako sa pag-update ulit sweeties! Grabe na kasi ang schedule ko ngayon sa trabaho, patayan! Please bare with me and also sa mga typo's, errors at mga alien words na di niyo maintindihan. Maraming salamat sa mga sweeties ko na patuloy pa din sa pagsubaybay sa story. Lovelots. <3



CHAPTER 67: TRAP


[AVA]


Takot.


Iyan ang nangingibabaw na damdamin sa loob ng lodge namin ngayon habang iniimpake ang aming mga kagamitan. Walang nagsasalita, walang imikan, halata sa mukha ng bawat isa ang pangamba. Ni hindi ko nga malapitan si Hell dahil para akong mapapaso sa matinding itim na aura na bumabalot sakanya ngayon. Ang mga mata niya...Minsan ko nang nakita ang mga matang iyon.


Yun ang mga matang handang pumatay...


Nanginginig ang aking mga kamay habang pinagmamasdan siya. Ayoko ng makitang muli ang mga matang iyon dahil masasakit na alaala lang naman ang dala nito sa akin. Wag naman sanang mangyari ang nangyari noon.



"Ava! Bilisan mo na dyan!" nabaling ang tingin ko kay Eric na nakatayo sa may pinto at dala sa magkabilang-kamay ang mga bagahe niya. Tumango lang ako sakanya tsaka muling tumingin kay Hell. This time, nakatingin na rin siya sa akin. Pinilit kong bahasin ang iniisip niya pero wala akong napala. Ako na lang ang unang nag-iwas ng tingin tsaka isinukbit sa balikat ang aking bag.



Lumabas ako ng kwartong walang lingon-lingon, sumunod ako palabas ng lodge at dumiretso sa loob ng van. Pinasok ko lang doon ang mga bags ko tsaka ako ulit bumaba at tinulungan ang iba sa pagbubuhat ng gamit nila. Wala kaming oras na sinayang at pagkatapos maisakay lahat ng gamit sa van ay handa ng umalis ang lahat. Pasakay pa lang ako at si Hell ng biglang sumulpot si Shane.



"Sasama ako!" ani niya. Napatingin ako kay Hell at siya ang humarap dito.



"I said stay here. Hindi namin alam kung ano ang pwedeng mangyari pagbalik ng Manila. You're not safe there. They are after you as what Arkin said. You better wait for him bago ka bumalik doon."



"Kaya kong protektahan ang sarili ko Hell. I...I'm worried...P-Para sainyo... I feel like it's a bit unfair, I'm part of this mess, so I needed to be there with you guys...Hindi ko maaatim na nasa kapahamakan kayo habang ako ay ligtas dito." pagpupumilit pa rin ni Shane pero kita ko sa mga mata ni Hell na wala siyang planong payagan ito. I understand Hell, kaya kahit gustuhin ko mang tulungan si Shane na mapapayag ito ay tinikom ko na lang ang aking bibig. For sure, Hell will never listen to me as well.



"I'm sorry. If Chase is here, he will do the same thing. Now, wag ka nang magpumilit, isa pang salita, itatali kita sa kahoy na katabi mo para matigil ka na. We're leaving." and with that, Shane was unable to talk. Pinauna ako ni Hell na sumakay ng van tsaka siya sumunod at isinara ang pinto. Shane remained standing from where she is at sinundan na lamang ng tingin ang sasakyan namin.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon