CHAPTER 5: TAKING ME OUT

18K 474 45
                                    

[SHANE]

Nakabihis at handa na akong umalis ng bahay kahit 6 A.M. pa lang ng umaga. Sunday ngayon at obviously na wala kaming pasok, kaya saan ako pupunta?


Alam niyo na rin naman ang sagot dyan, edi sa shop kung saan ko nakita si Chase. Hindi pa rin kasi ako nawawalan ng pag-asang makita siya kahit na ilang araw na siyang di nagpapakita. Ewan ko ba kung anong nangyari sakanya, nakukulitan na kaya siya sakin? Sana naman hindi, baka kasi tuluyan niya na akong layuan.


Sinuot ko na yung doll shoes ko tapos inayos ng kaunti ang buhok ko tsaka na ako lumabas ng kwarto. Tumatakbo akong bumaba ng hagdan at papunta sa may pinto ng biglang lumabas mula sa kwarto niya si mommy na nakapantulog pa at humihikab.

Narinig niya ata yung kalabog ng sapatos ko pababa kaya nagising siya bigla.


"Baby, maaga pa ha, saan ka pupunta?"


"Ahh ehh, may importanteng lakad lang po ako mommy." Importante ko kahit parang hindi naman. Alam niyo ba yung pakiramdam na parang natatakot kang mawala siya ulit kaya habang may pagkakataon ay dapat sulitin.


"Ganon ba? Magbreakfast ka muna bago umalis."


"Wag na po mommy. Kelangan ko na po talagang umalis eh." Sa bandang huli ay di na rin namilit pa si mommy at binigyan pa ako ng pera dahil baka daw kulangin ang perang dala ko.


"Thank you po mommy, alis na po ako." tsaka ko siya hinalikan sa pisngi tapos dumiretso na ako sa may pinto at nang buksan ko ito ay napaupo naman ako sa sahig dahil bigla akong may nabunggong bagay sa harapan.


Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit tsaka lang tiningnan yung matigas na bagay sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako dahil sakanya. Anong ginagawa niya ng ganito kaaga sa bahay?


"Shane I'm sorry! Are you ok?" tanong niya tsaka ako tinayo.


"I'm ok Arkin." chineck naman niya yung masakit sakin at alalang-alala siya. Ewan ko ba pero for some reasons parang natutuwa ako sa pag-aalala niya.


"Are you sure??? I'm really sorry. . . . "


"Hindi, ok lang talaga ako, Teka nga, ano bang ginagawa mo dyan sa may pinto? Kanina ka pa ba dyan? Tsaka bakit di ka man lang nagdoorbell? Ano nga palang ginagawa mo dito?" sunod-sunod na tanong ko sakanya kaya natameme siya bigla tapos napakamot sa batok. Bigla namang lumapit samin si mommy tapos humalik lang si Arkin sa pisngi nito.


"What brings you here Arkin?" parehong tanong ni mommy sakanya. Parang nag-aalangan pa nga siyang sumagot eh, parang iniisip niya ba kung sasagot ba siya o hindi.


"Well Ahhm, I was wondering kanina pa, if I should knock or ring the doorbell, baka kasi Shane is still sleeping, it's too early pa po kasi eh and I don't want to disturb her." pagpapaliwanag nito na kung saan-saan tumitingin. Ang cute nga eh, para bang hiyang-hiya siya, he was caught in the act kasi.

"Ganon ba, ano ba kelangan mo kay Shane?" nakatingin siya kay mommy ng tanungin siya nito tapos bigla akong tiningnan tsaka ngumiti.

"I want to ask her out for a date." Napanganga ako tsaka tumingin kay mommy na nakangiti lang ng pang-asar tsaka ibinalik ang tingin kay Arkin na nakangiti pa rin sakin at para bang nag-aantay ng sagot.

Di ko naman alam ang isasagot ko kasi diba nga may lakad ako ngayon. What if I say no? Kawawa naman siya, nag-effort siyang pumunta dito tapos hi-hindi lang ako pero if I say yes, mami-miss ko na naman ang isang araw na to na makita siya. Keaga-aga kelangan ko na namang maharap sa mahirap na pagde-desisyon.

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon